Chapter 52

4K 158 47
                                    

Natapos ang first quarter ng ganoon. At dahil second quarter na at September na, twice a week na ang practice naming Pep Squad dahil November ang intrams namin.

May nag-snap sa harapan ko kaya nawala ang tingin ko kay Ianrie at Zoe na magkasama sa hindi kalayuan. Kasama din nila ang iba pang kaibigan ni Zoe at nagtatawanan sila. May ilang lalaking dumating at nakisali sa usapan nila.

"Tinitignan mo 'yung mga 'yun? Hindi naman sila dapat pinagtutuunan ng pansin," sabi ni Julia at binuksan ang chichirya na hawak niya.

"She's still our friend,"

"I know. But are we? Can't you see she's happy already with those skunk?" umirap pa siya.

Tumahimik na lang ako. Gustuhin ko man na sitahin siya dahil sa itinawag niya kila Ianrie pero hindi na lang ako kumibo. Kahit ilang beses naman siyang pagsabihan hindi 'yan makikinig.

"San si Keith?" tanong ko na lang sakaniya at dumukot sa chichirya na hawak niya.

And as if on cue, nakarinig na ako ng tawanan at habulan. Hindi ko na kailangang lumingon dahil sa mga boses pa lang at asaran kilala ko na kung sino.

"Pashnea!" sigaw ni Enzo.

"Wow, may brilyante ka?" narinig kong asar ni Keith.

"Akin na kasi!"

"Ba't ka kasi nagtatanggal ng slacks dito?! Nakakadiri ka, e!"

Namilog ang mata namin ni Julia at napatingin sa likuran namin.

Muntik na akong mabulunan nung makita kong nakaboxer lang si Enzo. Nakakahiya! Nandito pa naman kami sa school grounds! Inabutan na lang ako ni Brozon at Kyle ng tubig. Hindi na ako nagtagal pumili at kinuha na ang kay Kyle at ininom.

"Ano 'yaaaan!" sigaw ni Janeah.

"Kunwari ka pa tuwang tuwa ka naman!" bulyaw ni Enzo sakaniya bago tignan ulit si Keith. "Akin na!"

"Sayaw ka muna boom boom,"

At ang siraulo, sumayaw nga! Kaya imbes na mainis kami at sawayin siya natawa pa kami.

"Go, Enzy!" tawa ng tawa si Keith habang vinivideohan si Enzo.

"Hi! I'm Enzy. From ngongoland!" sabi ni Enzo at nung natapos magpakilala tinignan ulit si Keith. "Gago ka?!"

"Hoy!" it should be a warning but it came out from my mouth with a laugh. Kaya hindi tuloy sila tumigil maghabulan.

Parang ako yung nahihiya para kay Enzo dahil nakaboxer lang siya. Ang dami pang napapatingin sakaniya. Nakita kong nakatingin din samin si Ianrie pero nung nakita niyang nakatingin ako sakaniya nag-iwas siya ng tingin.

Nanatili pa ang tingin ko sakaniya pero nawala lamang nung nakita kong gumulong ang dalawang kolokoy sa lapag habang kinukuha ni Enzo ang slacks niya.

"Nakakahiya. Hindi ko mga kaibigan 'yan," iiling iling na sambit ni Julia.

Inubos lang namin ang mga pagkain namin bago iwan ang dalawa na gumugulong pa din at nagtatawanan. Gusto ko sana silang hatakin kaso mukhang hindi naman sila nahihiya dalawa at nageenjoy pa kaya iniwan na namin.

"Ayaw niyong sumali sakanila?" tanong ko sa dalawa at tumawa pero hindi manlang sila tumawa at nanatili lang ang tingin sakin. "Sabi ko nga hindi kayo mahilig dun."

Ititikom ko na lang talaga 'tong bibig ko kesa kausapin sila. Ang dadaya e. Kapag sila yung kumakausap sakin kailangan sagutin ko sila. Pero kapag ako yung nanunukso imbes na tuksuhin ko pa lalo natatakot ako dahil sa mga tingin!

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon