Chapter 33

4.8K 150 35
                                    

"Alin nga kasi dito?"

Kanina pa kami nagtatalo ni Kuya sa ireregalo namin kay Mommy. Ang hirap na kasing mag-isip ng ireregalo kay Mommy. Ayaw niya ng masyadong bongga. Gusto niya yung simple lang.

"Ang kulit mo. Ayaw nga ni Mommy niyan kasi masyadong makintab! Ito na lang!" sabi ko at inangat ang napili ko.

"Ang baduy mo. Ang dami daming bag ni Mommy sa bahay,"

Umirap ako. Hindi ko na talaga alam kung anong ireregalo namin kay Mommy. Ang hirap mamili!

"Ano? 'Di pa din kayo nakapili? Kanina pa kayo nagbabangayan mag-kapatid diyan," sabi ni Ate Jeremae samin.

"Nakabili na kayo?" tanong ni Kuya sakanila.

It turns out na kami na lang pala ni Kuya ang hindi pa nakakabili ng regalo para kay Mommy.

"Bilis na kasi, Brina! Pumili kana ng maganda diyan." singhal ni Kuya sakin habang nagkakamot ulo.

"Papapiliin mo ko tapos aayawan mo kapag nakapili na ako? Sasabihin mo pangit? May toyo ka ba?"

Umamba siyang pipingutin ako kaya umayos na ako at tinignan ang mga pinagpipilian naming ireregalo kay Mommy.

Sa huli, yung pinasketch na lang namin na family picture ang napili ko. Mas okay na 'to since hindi pa namin nabibigyan si Mommy ng ganito.

"Kumpleto na ba tayo? Para makakain na," tanong ni ate Love.

"Missing in action si Brozon and Via." sabi ni Ianrie.

"Itext niyo na lang. Sumunod na lang kamo gutom na ko,"

Naglakad na kami patungo sa kakainan namin. Ilang minuto pa lang kaming nandoon nakasunod na agad sila Brozon samin.

Pagkatapos kumain naglibot ulit kami. Last day namin ngayon sa school kaya christmas break na namin.

"Wait lang. CR lang ako. Text niyo na lang ako kung nasan kayo." sabi ko sakanila.

"Samahan kita," sabi ni Julia.

Sinimangutan ko siya.

"Iihi lang kailangan may kasama pa?"

"Oh bakit? May kikitain ka lang ata e! Sasama kami!" sabi ni Kuya at umambang mauuna pang maglakad kesa sakin kaya hinatak ko siya sa likuran niya.

"Dyan na kayo! Text niyo na lang ako." sabi ko at tumakbo na patungo sa CR.

"Hoy! May sunog sa CR 'di ka pwede pumunta dun!" rinig kong sigaw ni Enzo.

Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya. Napatingin pa ako sa mga namamasyal din dito at nakitang yung iba napatingin kay Enzo.

Nagtawanan sila Kuya at binatukan si Enzo. Hiyang hiya akong tinalikuran sila at pumunta na sa CR.

Pumasok na ako doon at ginawa ang dapat kong gawin. Paglabas ko ay naghugas ako ng kamay at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Napailing ako. Kylie is that you?

Lalabas na sana ako pero may nakasalubong ako. Napatingin ako agad sakaniya at nanlaki ang mata ko.

"Zoe!" bati ko sakaniya at ngumiti ako.

She awkwardly smiled at me. "Oh, hi, Brina." bati niya pabalik.

"Ikaw lang magisa? You're not with someone?"

"Ako lang. Papasama sana ako kay Kyle pero sabi niya aalis daw siya."

"Kasama namin siya. You want to see him?" tanong ko.

Nakita ko ang pag iba ng expression niya. Mukhang naexcite siya dahil halos makakita ako ng kinang sa mata niya.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon