Chapter 13

6K 200 44
                                    

"Group yourselves into five. Six each group and make a situation where it's like Antonio and Shylock's." sabi ni Miss May. "You can change the characters. Basta dapat ay katulad ng sa kwento lang."

Maguusap usap na sana kami nila Keith dahil siguradong sila ang magiging kagrupo ko pero nagsalitang muli si Miss May.

"Group not with your friends. Pwedeng dalawa o tatlo lang kayong magkakasama sa isang grupo pero hindi pwedeng lahat kayo magkakasama."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Balak na naming kami kami ang magkakagrupo. Kaso ay may apat na mahihiwalay saamin dahil siyam kami.

"Go! I'll only five you twenty minutes."

Napatayo ang iba kong kaklase at naghanap na ng mga kagrupo. Hahatakin ko pa lang sana si Julia at Keith kaso may humawak na sa kamay ko.

"Samin kana, Brina!" sabi ng kaklase kong si Marsha.

Tinignan ko sila Julia at tumango lang sila sakin. Hindi naman magandang tanggihan ko itong si Marsha.

Nagulat ako nang kalabitin niya si Kyle na nakasubsob sa desk niya. Wala ba 'tong ibang alam kundi ang sumubsob lang?

"Grupo ka namin!" pinal na sabi ni Marsha.

Sa tingin niyo may makukuha kayong impormasyon diyan? E hindi nga 'yan nagsasalita e!

Tinignan niya ako. Nagiwas ako ng tingin at ang susunod na naramdaman ko ay ang pagtayo niya.

Sinundan namin si Marsha. May dalawa na doon na lalaki at babae.

"Kulang pa tayo ng isa?" tanong ni Marsha.

"Oo,"

"Si Julia na lang!" agap ko.

Tinawag ko agad si Julia. Mabuti at nagtatalo pa sila nila Janeah kaya pumunta agad siya samin.

"Ang gulo niyo!" bumelat pa si Julia kila Janeah kaya binatukan ko siya.

"Ayan, kumpleto na!" masayang sabi ni Marsha.

Pinagusapan agad namin kung sino ang mga gaganap. At halos umangal na ako nang sabihin nilang ako ang gaganap na asawa ni Kyle. Si Julia naman ang gaganap na attorney ko.

Si Marsha ang judge at ang dalawang natira na babae at lalaki ay pulis.

"Ih!" Julia giggled beside me.

Agad ko siyang kinurot.

"Aray naman! Inaano ba kita?" hindi mawala ang ngiti sa labi niya.

"Kyle, okay lang ba sayo role mo?" tanong ni Marsha.

Tinignan siya ni Kyle at tumango. Tinignan ko ang grupo ni Brozon. Hindi ko alam kung sinong mas malala sakanilang dalawa.

Isang pasada sa script ay pinagumpisa na kami ni Miss May. Mauuna ang grupo ng mga kaklase ko kaya pinanood namin sila habang si Marsha ay tensyonado sa harap ko.

"How come it's not you who murdered his family? You're the one who went to their house at the middle of the night!" akto ni Janeah.

"You don't have any proof, Attorney." sagot ni Keith sakaniya.

"No! You should rot in jail!" galit na sigaw ng kamiyembro nila. "Why did you murdered my family?" madramang tanong nito.

"I said I didn't! I was just cooking!" depensa ni Keith.

"Cooking what?" tanong ni Janeah.

"Chicken?"

Nagtawanan kami dahil sa paraan ng pagsalita ni Keith noon. Para siyang inosente.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon