Chapter 18

5.8K 192 93
                                    

Isang buwan ang lumipas at ganun pa din ang nangyayari samin. Kada hapon ay sasamahan namin silang magpractice pero minsan naman hindi dahil may mga homework pa.

Tinali ko ang buhok ko habang lahat kami ay papunta sa field. Maga-arnis daw kami tutal ay friday ngayon.

"Ang arnis niyo ay magaganap kada Wednesday at Friday kaya kada Wednesday dalin niyo 'yang mga P.E niyo. Maliwanag?" tanong ni Sir Arvin samin na siyang Mapeh teacher namin.

Tinuro niya samin ang mga gagawin. Nagtatawanan kami minsang magkakaklase lalo na kaming magbabarkada dahil kay Enzo.

"Wah! Yah! Washing! Shing!" sigaw niya at umaktong nakikipaglaban kaya napatawa ako ng malakas.

"Saya mo ah?" sabi ni Keith sa tabi ko kaya nginuso ko na lang si Enzo.

Thirty minutes ang klase naming iyon kaya nang matapos kami ay napasalampak ako sa damuhan.

"Saya!" sabi ko at uminom ng tubig.

Nilahad naman ni Keith ang kamay niya kaya napatingin ako dun. Nginuso niya lang iyon kaya tinanggap ko at bigla niya akong pinatalikod at naramdaman kong pinupunasan niya na ang pawis ko sa likod.

"Bata ba ko?" tanong ko habang pinupunasan niya ako ng pawis.

"Hindi, pero bestfriend kita. At ayokong magkakasakit ka dahil hahawaan mo ko." sagot niya.

Napaface palm na lang ako sa sinagot niya. Anong akala niya sakin? Sakitin? Hindi ako katulad niya no!

"Kyle!" rinig kong tawag ng isang babae kay Kyle pero hindi ko iyon nilingon.

"Naks! Chix mo ba 'yun, men?" tanong ni Enzo kay Kyle.

Hindi ko nakita ang naging sagot ni Kyle. Ganun ba talaga kahirap sakanila ni Brozon ang magsalita?

"Are you hungry?" tanong ni Keith sakin nang iharap niya ako sakaniya.

"Hmm, nagwawala na mga alaga ko." sabi ko at hinimas pa ang tyan ko.

"Tara? Bili muna tayong pagkain sa cafeteria." aya niya kaya tumango agad ako. Nilingon niya sila Enzo na mga nakaupo din. "Bibili muna kaming pagkain." paalam niya at hinila na ako.

"Oy! Sandwich sakin!" habol ni Enzo.

"Bumili ka ng iyo! Kuripot neto." sigaw pabalik ni Keith.

Pagkadating namin sa cafeteria ay agad kaming pumila. Madami pa ding studyante.

"Mas bagay sila kesa kay Ianrie!"

"Pansin mo din? Ba't hindi na lang kaya sila?"

"Gaga! Magbestfriend nga lang e. Tsaka, hindi mo ba nababalitaan na laging sinusurprise ni Keith si Ianrie?"

"Hala weh?"

"Oo! Nu ba naman 'to! Bagal mo makasagap ng chismis! Kaso itong si Ianrie, panay ang tanggi kay Keith."

"Hala! Kawawa naman si Keith huhu! Akin na lang siya!"

"Manahimik ka!"

Napalingon ako kay Keith dahil sa mga bulong-bulungan pero nanatili siyang nakatingin sa menu. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sakaniya kaya napatingin din siya sakin.

"Naririnig ko," sabi niya at tumingin ulit sa menu.

Malamang naririnig mo talaga! May tenga ka e.

"Ano sayo?" tanong niya sakin nang kami na ang bibili.

"Fries, chicken fillet with rice, ice cream tsaka royal na softdrink lang." sabi ko at ngumiti.

"Lang?" tanong niya. "Anong klaseng tyan ba meron ka?"

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon