"Bakit ang tagal niyo? Nauna pa si Brozon." narinig kong may nagtanong nun pero hindi ko pa naididilat ang mata ko.
"Nung narinig nilang tinawagan ako ni Brina sinabi ko sakanila agad. Tapos si Brozon tumakbo agad palabas ng venue. Hindi ko nga alam kung paano siya nakapunta sa ospital ng ganun kabilis. Kami kasi hinintay pa namin sila Manong. Siya paglabas namin wala na." boses ni Keith.
"Nakiangkas ako dun sa lalaking dumaan." si Brozon.
"Paano kung barumbado yung naangkasan mo?" si Ianrie.
"I'm glad he isn't."
Gumalaw ako. Biglang tumahimik ang paligid at unti unti kong minulat ang mata ko. Imbes na lumiwanag lalong dumilim dahil pumalibot agad silang lahat sakin.
"Brina, how are you feeling?" tanong ni Keith na nasa gilid ko.
Nakita ko ang pagaalala sa mga mukha nila.
"Okay naman. Ano bang nangyari?" napapaos pa ang boses ko.
"You faint," si Brozon ang sumagot.
Nahimatay ako? Pinilit kong alalahanin ang nangyari. Nakayakap ako kay Brozon nun habang umiiyak tapos wala na. 'Yun na ang huli.
"Eh bakit..." tinignan ko kung san ako nakahiga. Kama ko 'to ah? "Bakit nandito tayo sa bahay? Bakit wala tayo sa ospital?"
"Kaye, calm down." si Kuya na nasa gilid ko at hinawakan ang kamay ko. "Pinauwi kami ni Mommy. Aasikasuhin nila si Lolo-" he stopped.
Si Lolo.
Naalala ko yung nangyari. Iidlip lang sana ako pero nagising ako dahil sa ingay. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na ayun na pala yung huli sana hindi ako natulog. Sana pinigilan ko ang antok ko. Sana nakipagkulitan na lang ako kay Lolo.
"I'm sorry for coming late, Bri. Pero buti na lang mabilis si Brozon at napuntahan ka." sabi ni Keith.
"I'm sorry for ruining your promenade. Sobrang bigat kasi sa pakiramdam. Hindi ko matanggap." sabi ko.
Hinaplos ni Ate Jeremae ang buhok ko at ngumiti.
"He's fine now, Brina. Hindi na siya nahihirapan."
Tumango ako. Kahit masakit, tinanggap ko.
**
Limang araw binurol si Lolo. Ang bilis ng araw. Huling lamay na ngayon at nandito ako nakaupo habang tinitignan ang kabaong niya.
Tama nga sila. I don't want to be selfish. Nung nabubuhay si Lolo wala siyang ibang bukangbibig kundi si Lola. Ilang taon na silang hindi magkasama. Ilang taon niya ng gustong makita si Lola. Siguro sapat na yung fifteen years na nakasama ko si Lolo. Kasi sa loob ng labinglimang taon wala siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin at suportahan ako. Ngayon oras na para si Lola naman ang pasayahin niya.
Limang araw na din akong hindi pumapasok. Nagpaalam naman ako kay Miss and sabado naman bukas. Kaya sa Lunes baka makapasok na ako.
Sa loob ng limang araw papalit palit ang pumupunta dito na kaibigan namin nila Kuya. Minsan sila Enzo. Si Keith. Pero madalas si Brozon.
Limang araw na din akong nakakatanggap ng sunod sunod na text galing dun sa unknown. Oras oras tinetext niya ako. Hindi ko lang alam kung paano niya nalamang wala na si Lolo.
Unknown:
Kaye, remember that when you lose someone you love, you gain an angel you know. Your Lolo is guiding you from up above. Ano nga ulit yung kasabihan? 'Pag may umaalis, may dumadating? Hindi pa umaalis Lolo mo dumating na ako. At ngayong tuluyan na siyang umalis, ako naman ang mananatili. Be brave, Brina.

BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!