Chapter 37

5K 152 84
                                        

Just when I thought everything will be really fine, things started to crumble again.

Lumipas ang araw. Hanggang sa naging linggo. At Valentines Day na pala. Hindi ko namalayan dahil halos araw araw lagi kaming nakabantay kay Lolo. Kada weekends, kami ang nagbabantay nila Kuya at Julia. Kapag naman may gagawin din sila, ako lang. Minsan sinasamahan ako ni Brozon o Keith. Pero madalas si Brozon.

Pag naman marami kaming tambak ni Julia na gawain sa school si Kuya lang. Minsan din ata nagpapasama siya kay Kuya Darwin.

"Prom na! 'Di ba kayo naeexcite?" tanong ni Janeah samin nung nakatambay kami sa school grounds.

"Naeexcite," sabi ni Ianrie at parehas silang tumili.

"May gown na ba kayo?" tanong ko sakanila.

"Meron na! Matagal na ko nabilhan ni Mommy!" excited na sambit ni Ianrie.

"Ikaw, Bri? Meron na?" tanong ni Via sakin.

Honestly wala pa. Baka nga hindi din ako sumama dahil si Lolo nakaconfine. Ayokong dumagdag sa gastusin nila Mommy. Lumalaki araw araw ang bills ni Lolo lalo na isang buwan na rin siyang nakaconfine doon.

"Hindi pa ako sigurado, e,"

Nakita kong napatingin sakin si Keith. Kumunot ang noo niya at halatang nagtataka siya kung bakit hindi ako sigurado.

"Si Lolo," sabi ko at mukhang nagets naman nila iyon.

"Sayang naman! Unang prom natin 'to. Next year, last na agad." nakangusong saad ni Janeah.

"Ikaw, Julia?" tanong ni Ianrie.

Nagkibit balikat si Julia. Parehas kaming hindi pa sigurado pero kung si Julia gusto niyang sumama hahayaan ko. Nandun naman ako para magbantay. Si Kuya? Hindi ko alam.

Ayun lang ang pinagusapan nila habang nakatambay kami. Nakakainggit ng kaonti pero mas gusto kong samahan si Lola kesa magsaya.

Naramdaman ko ang pagyakap sakin mula sa likod. Nasa labas ako ng room ngayon. Hindi muna ako sumabay sakanila pumasok sa room dahil gusto ko lang muna dito.

"It's okay..."

Umayos ako at hinarap siya. Tinignan ko siya at naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko. I bit my lip and hugged him tight.

"It's too much,"

Hinagod niya ang likod ko. Napapikit ako at lalong hinigpitan ang yakap sakaniya.

We stayed like that for a while. Sobrang bigat na sa dibdib to the point na gusto ko na lang sumabog. Wala na bang mas sasakit pa dito?

"He's still fighting, right? You still have two months, Bri. Make it memorable. Enjoy every day that passes by,"

"Pero nahihirapan na siya, Keith. Nahihirapan na si Lolo. Ayoko ng ganun. Ayoko siyang nakikitang nahihirapan."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pilit pinatingin sakaniya. He crouched a bit so our eye would meet.

"We all want him to be free from those pain, Bri. We just need to endure it because there's nothing that we can do."

Gusto kong yumuko pero pinipigilan niya ako. Napipilitan tuloy akong titigan siya sa mata.

How can Ianrie turn down someone like this? How can she keep on dumping him? Keith deserves better. Keith deserves to be happy. Keith deserve everything in this world.

"Hindi kita iiwan. I will always help you pick the shattered pieces of your heart. Ayokong nakikitang nasasaktan ka. Nasasaktan din ako pag ganun, Bri..."

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon