Ilang araw akong tutok magreview. Kaya naman nung matapos ang exams namin, para daw akong nakawala sa hawla ko sabi ni Mommy.
"Waaaaa! I'm free!" sigaw ko sa labas ng bahay namin.
"Waaaa ang ingay mo!" sigaw ni Kuya sa tenga ko kaya napatakip ako doon.
Para akong nabingi. Ilang segundo ko munang hinawakan ang tenga ko at pagkaayos ay tatadyakan ko na sana si Kuya kaso sinara niya na ang pinto ng kotse kaya yung sasakyan ang natadyakan ko.
Napahawak ako sa paa ko sa sakit. Ang sakit! Huhu.
"Mommyyyyy!" ngawa ko habang hawak hawak ang paa ko.
"Brina Kaye! Ano ba 'yan? Kanina ka pa sigaw ng sigaw!" sigaw ni Mommy sakin.
"Kylie Garcia, you're also yelling. Mag-nanay nga kayo." sabi ni Daddy na nakasunod sa likuran ni Mommy.
Hinawakan ako ni Mommy at tinignan ang hinahawakan ko. Masakit. Pero slight lang.
"Ano ba nangyari?" tanong ni Mommy.
"Edi ano pa ba, My? Lampa 'yan e!" binuksan na pala ulit ni Kuya ang pinto at nakasilip lang siya doon habang binebelatan ako.
"Si Kuya!" turo ko kay Kuya.
"Oy anong ako? Kasalanan kong tanga ka? Tinadyakan mo ba naman yung sasakyan e. Tsk. Balak mo pang sirain sasakyan natin. May pangbayad ka ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Balak ko sanang ibato sakaniya ang sapatos ko pero hinawakan ako ni Daddy.
Tinignan ko si Daddy at nakita kong pumikit siya ng mariin. Para bang sumasakit ulo niya samin. Pagkakita niya sakin na nakatingin sakaniya ay ngumiti siya at pinat ang ulo ko.
"That's enough. Don't act like kids this time." saway niya samin. "Come, Brina."
Inalalayan ako ni Daddy papasok ng sasakyan. Silang dalawa ni Mommy ang maghahatid samin ni Kuya. Pagkasakay ko ay agad kong kinagat si Kuya kaya napasigaw siya sa sakit.
"Sakit?" pangasar kong tanong sakaniya.
"Ewan ko ba bakit nabuo ka pa!"
Tumawa lang ako at bumelat.
Pagdating sa EU may tumawag agad sakin. Nakita ko si Chivas na kumakaway kaya kumaway din ako.
"Bakit mo tinawag? Gusto mo bang masira agad araw mo dahil sa mukhang 'to?" tanong ni Kuya kay Chivas.
Lumapit si Chivas at nakita ko ang pagkantyaw ng mga kaibigan niya sakaniya. Mukhang nahihiya naman si Chivas samin dahil nakahawak siya sa batok niya.
"Goodmorning po,"
"Po? Anong po? Siraulo ka ba? Mukha ba kong matanda?" maangas na tanong ni Kuya.
Nawala ang ngiti sa mukha ko at dahan dahan akong tumingin kay Kuya ng masama.
Nakita niya siguro akong nakatingin sakaniya dahil tumingin siya sakin na nanlalaki pa ang mata.
"Ano? Sakin ka pa galit? Nag-po ba naman? Matanda ba ako?"
Napabuntong hininga ako. Tinulak ko si Kuya paalis bago ko tignan si Chivas.
"Pasensya na sa Kuya ko. Baliw 'yun e! Goodmorning rin. Pasok na ako ha?" paalam ko at hinabol si Kuya.
Hinampas ko ang likod ni Kuya kaya napaliyad siya at napahawak sa likuran niya.
"Ikaw namumuro kanang chanak ka!"
"Ikaw din kapre! Kanina ka pa sa bahay hindi ka na nakakatuwa!"
BINABASA MO ANG
My Other Half
Fiksi RemajaBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!