Chapter 55

4.5K 149 53
                                        

Sa mga sumunod na araw halos nakakapagod na din. Palapit na din kasi ng palapit ang intrams kaya hinahasa na talaga kami lagi ni Miss Hertin. Lalo na gusto niya daw na sobrang magboom yung performance namin dahil graduating na kami.

"Ang pangit na ng legs mo. Puro pasa," sabi sakin ni Kuya habang nakatambay kami dito sa rooftop.

Pare-parehas kaming mga walang klase. May meeting kasi ang lahat ng faculty members kaya halos lahat ng studyante ng EU nakakalat kung saan saan.

"Ganun talaga Kuya. Pero masaya naman."

"Hindi ka naman nahihipuan?" 

Umiling ako. Hindi naman talaga. Sobrang maingat yung mga nagbubuhat sakin kaya hindi ko nararamdaman na hinihipuan nila ako. And, sobrang caring din nila lalo na may ibang mas matanda sakin ng ilang buwan. Tinuturing daw nila na kapatid ako kaya daw ganun sila.

"Siguraduhin lang nila kundi talaga nako!" may patunog tunog pa ng kamay si Kuya.

"Here," 

Napalingon ako kay Brozon nang iabot niya sakin ang pagkain at inumin. Umurong ako para makatabi siya sakin sa swing habang nasa harapan namin si Kuya.

"Sakit niyo sa mata," irap ni Kuya.

Ewan pero habang tumatagal lalo kaming nagiging close ni Brozon. Minsan dumadating kami sa punto na hindi na kami mapaghiwalay dahil sa dami naming pinaguusapan. Tapos kami ni Kyle ganun pa din. Naguusap din naman kami pero sadyang mas magkadikit kami ni Brozon.

Nung magumpisa akong kumain alam kong nakatingin siya sakin. Tinignan ko siya at magsasalita na sana para pagbawalan siya sa kung anomang sasabihin niya pero inunahan niya ako.

"Ang takaw,"

Sinamaan ko siya ng tingin. Lagi niya na akong inaasar na ang takaw ko daw kada nakikita niya akong kumakain. Kasalanan ko ba na nakakagutom pala yung training namin lagi? Kasi minsan hindi na ako nakakakain paguwi diretso tulog na ang ginagawa ko.

"Sige, ayoko na," sabi ko at nilapag ang pagkain sa gitna naming dalawa.

"Luh, mapaginarte ka masyado, kapatid." sabat ni Kuya.

Ahh! Nakakainis! Kapag talaga kasama ko 'tong si Kuya naiinis ako. Palasabat e! Tapos pag naririnig niya pa pinaguusapan namin ni Brozon mangaasar. Pag naman sinasabi kong umalis na siya siya pa yung magagalit sakin tapos sasabihin niyang babantayan niya lang daw ako.

"Usapan, Kuya. Okay?" sabi ko at umakto na naglagay ng barrier sa pagitan naming dalawa.

Kinalabit ako ni Brozon kaya lumingon ako sakaniya. Saktong paglingon ko ay inangat niya ang kinakain ko kanina kaya napanganga ako. Habang nginunguya ay sinamaan ko nanaman siya ng tingin.

"'Wag na magalit," malambing niyang sabi.

This! This is my weakness when it comes to him! Whenever he uses that tone my anger automatically fades away. Ang daya!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pag kain. Gutom ako ngayon 'wag siyang magulo ha!

Nung matapos akong kumain lumipat ako sa tabi ni Kuya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. I suddenly felt sleepy. Mamaya may training nanaman kasi kami kaya feeling ko kailangan kong magipon ng lakas,

"Can I sleep?" tanong ko kay Kuya.

Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at pinaglaruan ang buhok ko kaya unti unti agad akong ginapangan ng antok.

Nagising ako nang hindi na kay Kuya nakahiga kundi kay Brozon. Nakapikit siya at hindi ko alam kung natutulog na din pero napatingin ako sa mga naguusap. Nakita ko sila Kuya kasama sila Ianrie. Medyo malayo sila samin pero tama lang para marinig namin na naguusap usap sila.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon