Chapter 42

4.4K 143 42
                                    

Hindi ko pa po ina-apply dito sa story na 'to ang K12 so 'yun. Hehe. Enjoy reading!


"What is it now, Kuya?!" sigaw ko.

"Ilang beses ba dapat akong kumatok, Brina Kaye Garcia?" seryoso niyang sambit.

"Nagaayos na ako!"

Bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko pero hindi ako tumingin doon. Sinuklay ko pa ang buhok  ko at tinignan siya.

"Happy now?"

Umiling siya, "First day of school and we're getting late because of you. Move! Grab a sandwich and we'll go."

Umirap ako. Wow. Feel na feel ni college boy.

Bumaba ako at nakita ko doon si Mommy na kumakain.

"Sweety, good morning. Have a seat,"

"Good morning, too, Mom. I'm sorry but I have to go. Kuya's turning into a beast."

Tumawa lang si Mommy at nilahadan ako ng sandwich na agad ko namang kinuha.

"Thanks, Mom."

"Off you go, sweety. Take care."

Ngumiti ako at sumunod na kay Kuya sa garahe.

Pagkarating namin sa EU agad kaming bumaba. Naglakad na kami papasok ni Kuya nung biglang may umakbay sakin at binigatan pa niya talaga ang braso niya.

"Good morning there, princess." si Enzo at lalo pang binigatan ang kamay niya.

Niyakap ko siya sa bewang niya, "Good morning! I missed you."

He chuckled, "I missed you too, princess."

Nawala ang bigat sa balikat ko bigla. 

"Anong miss miss 'yan parang hindi nagkikita every weekday, ah?" boses ni Keith 'yun sigurado ako.

"The jealous best friend is here," sabi ni Kuya at tumigil sa harap namin. "You two. Kayo na bahala kay Brina since magkakaklase naman kayo. I'm heading to my class." paalam nito at tumakbo palayo.

Naglakad kami papasok. I can't help but to feel excited. Ang bilis ng two months na bakasyon pero natutuwa ako dahil fourth year na ako! Ga-graduate na ako next year!

Pagkarating namin sa room may nagtilian at kilala ko na agad ang mga iyon. 

"Hi babes, missed me that much?" pacool na sabi ni Enzo kaya tinulak siya ni Janeah at niyakap ako.

Biglang may nag-aww at boo kay Enzo kaya napasimangot si Enzo at pumunta sa pwesto niya. Natawa na lang ako.

And what do you expect on the first day? Edi kwentuhan!

As expected kapag first day wala masyadong gagawin. Orientation lang at ngayon pupunta kamin gymnasium dahil pinapatawag kaming lahat ni Tita Kaitleen para masabi ang rules and regulations etc.

Humanap agad kami ng pwesto at nilibot ko ang tingin ko sa buong gymnasium.

"Wow. Dumami studyante," sabi ni Julia sa tabi ko.

"College. I spot Ate Jeremae and the others!" sabi ni Ianrie kaya napatingin kami sa tinuturo niya at nakita sila Kuya na nasa taas na bleachers at nakatingin sa stage.

Para lang naman sa High School and College ang orientation pero feeling ko hindi na talaga kami kakasya dito sa sobrang dami.

"Okay, good morning, students..." si Tita Kaitleen.

Hindi naman kami nagtagal doon. Pagkatapos namin dun babalik na sana kami sa classroom nung may mahagip ako na pamilyar.

"Chivas?" kasama niya mga kaibigan niya at nagtatawanan ang mga 'to. "Chivas!" tawag ko sakaniya kaya napalingon siya kaya lumapit ako.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon