"Sino 'yun, Kyle? Ang chix!" tanong ni Enzo kay Kyle habang naglalakad kami pabalik sa room.
Kyle just shrugged. Hindi nakuntento si Enzo at kinulit pa lalo si Kyle.
"Nakakarindi ka, Enzo," iritang sabi ni Janeah.
"Selos ka lang e," asar sakaniya ni Enzo. "Magselos ka lang. Hindi naman kita gusto e."
Nakatikim siya ng hampas galing kay Janeah kaya napahawak siya sa likuran niya.
"Ang kapal din ng mukha mo, ano? Iba gusto ko kaya 'wag kang assuming!" singhal ni Janeah sakaniya.
Nakangusong tinignan siya ni Enzo hanggang sa makapasok kami sa classroom. Natawa na lang ako sa itsura ni Enzo.
Dumiretso kami sa mga pwesto namin. Si Enzo ay tanong ng tanong kay Kyle kung sino yung babae habang si Keith naman ay nakaub-ob sa desk niya at nakatingin sakin.
Sinalubong ko ang tingin niya. Hindi manlang siya natinag at nakatingin pa din siya sakin. Naiilang na kaya ako!
"'Wag ka ng tumingin. Naiilang na ako," sabi ko kaya napatunghay siya.
"Hindi ka pa ba sanay?" tanong niya at tumawa.
Inirapan ko siya. Nakatingin pa din siya sakin kaya hinarang ko na ang palad ko sa mukha niya.
"Nakakainis na ha,"
"Hala. Sorry na..." sabi niya at nagiwas ng tingin.
Napangiti naman ako ng bahagya. Tinignan ko si Ianrie at nakita kong busy siya sa pagsulat ng kung ano sa notebook niya. Binalik ko ang tingin ko kay Keith na pinaglalaruan ang ballpen niya at parang may malalim na iniisip na.
"Kailan mo balak ituloy?" tanong ko sakaniya kaya napatingin naman siya sakin.
Brown na brown ang mata niya hindi tulad ng akin na light lang ang pagkabrown.
"That's what I'm thinking right now," tumagilid siya kaya nakaharap na siya ngayon sakin. "Alam ko na kasi ang mangyayari kaya pakiramdam ko kailangan ko pa ng mahaba-habang pahinga. I'm not yet ready to feel the pain again."
"Edi 'wag muna? Kung nagdadalawang isip ka, 'wag muna dahil magugulo lang yung mga desisyon na gagawin mo,"
"Ianrie's not hard to love. Alam mo kung ano ang mahirap sakaniya? Yung papasukin mo na pag ibig. Kasi kapag minahal mo siya, kailangan mong maramdaman yung napakaraming sakit. Sa sobrang dami hindi mo na alam kung kailan mauubos."
"Pero dahil mahal mo siya, nakakaya mong tanggapin lahat 'yun."
Nakita ko ang pagkahirap sa mata niya.
"Alam mo ba kung bakit ako nakatingin sayo kanina?" tanong niya kaya umiling ako. "Iniisip ko lahat ng sinabi mo sakin. Iniisip ko kung anong susunod kong gawin. Iniisip ko din ang mangyayari."
"Edi effort ulit? Surprises?" tanong ko dahil ayun naman lagi ang ginagawa namin diba? Lagi naman niyang binibilhan ng kung ano ano si Rie at is-surprise niya sa kung saan.
Ngumiti siya. "I just realized now that efforts are useless if the person doesn't love you back. Ang daming taong gustong pag-effortan pero paano kung hindi mo naman gusto yung nage-effort sayo? It's useless. Makakaramdam ka lang ng saya but that's only it. Hanggang doon lang iyon. At ganun si Ianrie."
"And you're saying?"
"Hindi ko alam, Bri. Naguguluhan pa ako." sabi niya at pinatong ang noo niya sa desk ko.
Tinignan ko siya habang nakasubsob. Napabuntong hininga na lang ako at pinaglaruan ang buhok niya bago ko tignan si Ianrie.
Hindi ko naman siya masisisi. Ilang beses niya ng nireject si Keith pero si Keith ang nagpupumilit. Nalaman ko din kahit papaano ang kaunting side ni Ianrie kaya naiintindihan ko siya.

BINABASA MO ANG
My Other Half
TienerfictieBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!