Dahil sa pagkabigla na naramdaman ko kanina ay hindi tuloy ako makatingin kay Kyle.
Hanggang sa pagtapos namin sa mga natirang klase hindi ako tumingin sakaniya. Naiilang ako e!
"Tara, cafeteria? Kain tayo!" aya ni Janeah.
"Yown! Makakakain na ulit!" sabi ni Enzo at tumayo na agad.
"Timawa talaga." mahinang bulong ni Keith kaya kaming dalawa lang ang tumawa.
"Hoy! Anong tinatawa tawa niyo dyan? Baka mamaya pinaguusapan niyo na ako?"
"Oo! Timawa!" singhal ni Keith.
"Gutom lang hindi timawa! Malaki pagkakaiba non!" singhal nito pabalik.
Napailing na lang ako at sabay sabay na kaming tumungo sa cafeteria.
Agad silang umorder. At gaya ng dati, kaming mga babae ang naiwan habang ang boys ay ayun at nakapila.
"Nasan nga pala sila Via?" tanong ni Ianrie kaya napatingin ako sa kabuuan ng table namin at sa counter kung nasan ang boys.
Wala nga si Via at Brozon. Kanina lang kasama namin ang mga 'yun ah?
"Hala!" napatakip sa bibig si Julia. "Baka... baka gumawa ng... uwah! Uwah!" gaya niya sa iyak ng bata kaya nabatukan ko siya.
"Pinagsasabi mo?" singhal ko sakaniya at napailing.
Pero inikot ko din ang paningin ko. Nasaan na kaya yung dalawang 'yun? Hindi naman basta basta umaalis si Brozon ng hindi nagpapaalam kila Enzo.
Narinig ko ang pagbagsak ng tray kaya napatingin ako sa mga lalake na dumating. Tinulak ni Keith ng bahagya ang tray na para sakin at agad ko iyon kinain.
"Hindi ka ba nabusog sa kinain mo kanina? Ang dami na nun ah?" takang tanong sakin ni Janeah.
"Nagbasketball kaya tayo! Sinong hindi mapapagod at magugutom sa larong 'yun?" singhal ko.
"Oy! Ang galing mo maglaro kanina, cous! Gusto ko yung pasa mo kanina sakin. Pwede bang ulitin mo 'yun?" may halong pagkamangha at pangaasar ang tono niya kaya sinimangutan ko siya.
"Oo nakita ko 'yun, Kaye!" tumatawang sabi ni Keith.
"Pinasa niya sayo yung bola?" tanong ni Enzo kay Julia at tumango naman ito. "La! E magkalaban kayo diba?" tanong ulit nito at tumango nanaman si Julia. Nagpigil ng tawa si Enzo bago ako tignan. "Ang lupit mo, Bri! Apir nga tayo!" aniya at nilahad ang kamay niya.
Tinitigan ko lang iyon pero humagalpak silang lahat sa tawa.
"Happy? Okay na?" tanong ko nang tumagal sila kakatawa.
"Super happy! Sa Easton bida ang saya dahil sayo!" tawa ni Enzo kaya binato ko na siya ng tinidor.
"Oy, tama na 'yan. Baka mapikon pa 'to." sabi ni Keith.
"Asus! Ang bestfriend to the rescue." asar ni Janeah.
"Syempre. Ako pa ba?" kumindat pa si Keith at tumutok sakin bigla ang tinidor niya na may carbonara at isinubo niya iyon sakin.
Nginuya ko muna iyon at akmang magsasalita na pero nakita kong nalipat ang mga tingin nila Julia sa likod namin. Nasa harapan kasi namin sila.
Uminom ako ng tubig at napatingin sa likod ko. Nakita ko si Brozon at Via na naglalakad papalapit saamin. Nauuna si Via samantalang si Brozon ay nasa likod niya at seryoso ang mukha. Ano pa bang pinagbago?
Pagkalapit nila samin ay ngumiti si Via at umupo sa pwesto niya at sumunod naman si Brozon.
"Saan ba kayo nanggaling? Ang tagal niyo naman?" tanong ni Ianrie sakanila.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!