"Revelation 101," sabi ni Julia at hinawakan ako. "Tara na,"
Habang pasakay ako sa sasakyan namin ay nakita ko si Brozon na nakababa ang bintana ng sasakyan. His cold eyes bore into me that made me nervous.
Inangat niya ang bintana kaya sumakay na ako ng tuluyan.
Hindi na sumunod si Kyle sa bahay. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanila. Kahit si Brozon at Via hindi na sumunod bigla. Kaya saglit lang sila at sinabing bukas na lang icelebrate dahil kulang kami.
Pagkauwi nila pumunta ako sa ospital para dalawin si Kuya saglit. Hindi pa din siya gising.
"Hi, brother," sabi ko at umupo sa tabi niya. "Ang dami kong kukwento sayo. Hindi ko alam kung maniniwala ka sa mga kukwento ko pero maniwala ka kundi tutuluyan kita. Joke."
Sa ilang oras kong pananatili doon nagkwento lang ako sakaniya. Naabutan pa nga ako nila Mommy kaya sinabi ko na din sakanila na pasok ako sa squad. Pero hindi ko sinabi na ako na ang Captain. Hindi ko naman alam kung totoo ba 'yun. Gusto kong kausapin muna si Miss Hertin bago ko sabihin kila Mommy.
"We should celebrate!" masayang sabi ni Mommy.
"Yes, Mom. But can we wait for Kuya? Gusto ko kasama siyang magcelebrate,"
Ngumiti si Mommy, "Of course, sweety. We will wait."
Hinalikan nila ni Daddy ang ulo ko bago ko sila ngitian.
Umuwi na din kami ni Mommy after thirty minutes. Nagdecide ako na tumabi sakaniya since si Daddy ang magbabantay kay Kuya ngayon. Papunta na sana ako sa kwarto niya pero may nagdoorbell. Lumabas pa si Mommy na nakapangtulog na.
"Ako na po,"
Tumango si Mommy ng marahan at bumalik na sa kwarto nila ni Daddy.
Bumaba naman ako at pumunta sa pintuan. Binuksan ko iyon pero walang tao. Matatakot na sana ako at kakaripas na ng takbo paakyat ng kwarto nila Mommy pero may nakita akong nakasandal sa gilid habang nakayuko.
"Kyle?"
Lumingon siya sakin at ngumiti ng bahagya.
"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na ah?"
Naglakad siya papunta sa harap ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang may maalala.
"Hindi pa ba sapat na si Kyle may gusto sayo?!"
Napapikit ako at nakita kong kumunot ang noo niya.
"Sorry,"
Pakiramdam ko pulang pula na yung mukha ko dahil sa hiya. Ba't ba kasi ako napapikit? Mukha tuloy akong tanga.
"Are you about to sleep?" tanong niya kaya tumango ako. "Sorry."
"Okay lang. May kailangan ka ba? Or may importante kang sasabihin?"
"What Zoe said earlier, yeah, it's true."
Parang kinapos ako ng hininga. Gusto kong umiwas ng tingin pero parang nastuck na yung mata ko sa mata niya. He's looking intently at me.
"A-Ah?"
Brina Kaye! Hindi ko alam bakit ayun lumabas sa bibig ko. Ano ba dapat kong sabihin? Hindi ko alam. Wala akong alam. Ngayon ko lang naranasan 'to!
Tumawa siya kaya lalo akong nahiya. Ano ba kasi dapat kong sabihin?
"You're cute," sabi niya at pinindot ang ilong ko gamit ang index finger niya. "Ang hirap mong iwasan. Wala ka namang ginagawa pero kada nakikita ko ngiti mo napapasaya mo ko. You even bumped me the first time we met. You effortless make people like you. And now I'm one of them."
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!