Weeks had passed. Sa araw araw na nagdaan unti unti ko na ding natatanggap. Laking pasasalamat ko talaga at may mga ganto akong kaibigan.
Nagising ako isang araw na may pilit yumuyugyog sakin sa kama. Sa inis ko ay nagtaklob ako ng kumot at pinagtabuyan ang kung sinoman ang gumigising sakin.
"Wake up!"
Malakas ko siyang tinadyakan. Narinig ko ang pagkalabog pero hindi ko iyon pinansin dahil antok na antok pa din ako.
"Aray ha!"
"Shut up," I murmured.
Natahimik bigla. Ewan ko kung bakit nakaramdam ako agad ng pagkaguilty kaya tinanggal ko ang nakataklob sakin at tinignan kung sinoman ang tinadyakan ko.
Nakita ko si Keith na nakasalampak sa sahig at tinitignan ako ng masama.
"Oh, it's you. What brings you here bestfriend?" I asked and lay down again.
Hindi pa din siya umimik. Palihim akong napangiti pero hindi din ako umimik. Naramdaman ko ang paglubog ng side ng kama ko.
"You forgot again?" I can sense sadness in his voice, "Bri, we're bestfriends for years already why can't you-" I cut him off with my laugh.
Umupo ako sa kama at binatukan siya.
"March 13. Nine years of being best friends," sabi ko at nung nakita kong sumisilay na ang ngiti sa labi niya binatukan ko siya. "Silly! Of course I won't forget it."
Umatras siya, "I'm thankful you didn't forgot but don't forget to brush your teeth first, please," hinampas ko siya ng unan.
Napaka! Kung hindi niya lang naman ako ginising eh!
"Maligo ka na din pala. Aalis tayo. I'll choose what you'll wear so go go go! Time is running, Kaye!" tinulak tulak niya pa ako papasok ng banyo.
Natawa na lang ako at nagsimula ng kumilos.
Pagkalabas ko nakita ko ang terno naming damit at high waist na pants. At sa gilid nun ay may sulat.
Okay na 'tong isusuot mo 'wag kana magpaganda wala ka naman ng pag-asa. De joke lang. Baka mapatay pa ko pag sexy suot mo tsaka bawal 'no! Magbihis kana. Hintayin kita sa baba. Move faster!
Napairap na lang ako at sinimulang magbihis. Nag-ayos din ako ng kaunti at nung makapagpabango na ako ay bumaba na ako. Lalo na nung maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko.
"I'm done! But can we eat-"
Hinawakan ni Keith ang kamay ko at tumayo kaya natigil ako sa pagsasalita.
"Tita, mauuna na po kami. Ilalabas ko po muna 'to para masinagan naman po ng araw." paalam niya kay Mommy.
"That's a good thing. Text me if you need anything, okay?"
"Huy! Kumain muna tayo! Gutom na kaya ako!" reklamo ko.
"Sa mall na. Bye, Tita! Pasabi po kay Kuya Bryle hindi ko na babalik si Brina. Salamat po!"
Hinampas hampas ko siya habang siya tawa ng tawa nung nakalabas na kami. Sumakay kami sa kotse nila at nagpahatid siya sa mall. Tulog pa kasi si Kuya Bryle kaya hindi ako nakapagpaalam sakaniya.
Pagkarating namin sa mall pumunta agad kami sa paborito naming kainan. Alam niya na ang oorderin ko at nung dumating na ang pagkain nagsimula na kami. Siya na din ang nagbayad. Feeling ko nga wala akong gagastusin ngayon.
Pagkalabas namin ng restaurant nilagay niya ang daliri niya sa chin niya at nagisip habang ako tinitignan lang siya. Seryoso kung ibang tao lang ako iisipin kong nineteen years old na siya at hindi fifteen. Ang laking tao!
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!