Hindi na nila ako pinagpractice pa. Kahit sinasabi kong kaya ko naman, ayaw pa din nila. Nainis na nga ako sakanila dahil baka isipin ng iba naming kagrupo ang unfair nila. Hindi naman na kasi masakit kaya gusto ko ng magpractice pero sila lang yung nagsasabing kailangan kong ipahinga muna iyon. Naiilang tuloy ako dahil sa mga tingin sakin ng iba kong kaklase. Pakiramdam ko naiinis sila.
"Ang kulit niyo. Sinabing kaya ko naman e. Baka mamaya may naiinis na pala sakin dito na kaklase natin," sabi ko sakanila nang matapos silang magpractice at umupo.
Tumingin agad si Julia sa mga kaklase naming nagpapahinga din. Lahat ay abala sa pagpapahinga o kaya ay kumakain ang iba.
"May naiinis ba dito dahil hindi namin pinagpractice si Brina?" tanong niya kaya napalingon samin ang mga kaklase namin.
Namilog ang mata ko. Grabe!
Hinatak ko ang tshirt niya. May sira ba 'to sa ulo?!
"Julia! Ano ba?" naiinis na talaga ako.
"What? Nabothered ako sa sinabi mo baka totoo nga," nakataas pa ang kilay niya pagkasabi niya nun.
Inirapan ko siya. Sinabi ko lang naman 'yun pero hindi ako sigurado. Ayokong magkaron ng kaaway dito. Hindi ko pa nararanasan 'yun and I don't want to experience that.
"Guys, I'm sorry. Hayaan niyo na lang. It's nothing," sabi ko sa mga kaklase kong nakatingin pa din samin.
Hinatak ko paupo si Julia. Hindi ko alam sa babaenh 'to kung bakit hindi niya minana lahat ng kalokohan na ugali ni Tito Jules! Mas minana niya pa yung kamalditahan ni Tita Vanessa. And thinking of that, natatakot akong baka isang araw kung ano na ang gawin niya sa mga nakakaaway niya.
"Jul, hindi na ako magtataka kung mapapaaway ka pag college tayo," sabi ni Janeah sakaniya.
"What? I'm just trying to protect my cousin here. Ayokong makarinig ng hindi maganda tungkol sakaniya,"
"And we don't like that, too. Pero let's let them. 'Wag tayo agad makikipagaway kung wala pa namang kasiguraduhan na sinabi nila iyon." sabi ni Ianrie.
Hindi na lang kumibo si Julia kaya ang ginawa ko ay niyakap ko siya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya habang nakayakap.
"I appreciate your concern but I also don't want you to have a record, cous."
Hindi pa nila nabuo ang sayaw at kaonti pa lang ang nagagawan nila pero okay na 'yun kesa wala diba? Kaya pagkatapos ng ilan pang pasada ay pagod na pagod sila. Bukod sa ngawit ang braso nila ay masakit din ang mga paa nila kakatalon.
"Sa isang araw ulit may practice tayo," sabi ni Ryle.
Niligpit nila ang mga arnis nila. Inabot ko kila Janeah yung mga lalagyanan nila pati yung mga pamunas nila.
"Thank you, Bri!" masayang sabi ni Via sakin kaya nginitian ko din siya.
"Guys, kain na daw tayo!" tawag ni Jav saamin.
Tumayo na kami at tinapik ko pa ang kamay ni Keith dahil aalalayan niya pa sana ako. Hindi naman ba masakit ang bewang ko at nawala na yung pagpula.
"Okay na nga e. Ang kulit,"
Pagdating namin sa kusina ay gana ng dati handa na ang lahat. Ngayon, sigurado akong mapupuno ang kusina nila dahil nandito halos lahat.
We prayed first before giving na foods. Pasa pasa ang ginawa namin para hindi sabay sabay ang pagkuha.
Medyo maingay ang naging pag kain namin. Kung ano ano ang pinaguusapan nila hanggang sa matapos kami at inunahan agad kami ng Mama ni Jav at ng mga katulong nila na magligpit.
![](https://img.wattpad.com/cover/91574812-288-k380168.jpg)
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!