"Hindi ka talaga sasali?" tanong ni Ianrie sakin.
Umiling ako. Pang ilang tanong na nila sakin 'yan. Ayokong sumali.
"Si Julia baka sumali. Alam ko namang gusto niyang sumali e,"
Bumuntong hininga si Ianrie at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. I glanced at her and gave her a small smile.
"Your Lolo's fighting, Bri. Just think on the bright side,"
"I just don't want to waste a time. I want every time of mine with him."
Kasi sa totoo lang kung pwede lang 'wag na pumasok gagawin ko. The Doctor said the cancer cells keeps on spreading. And anytime...
Niyakap ako ni Ianrie. Ngumiti ako at hinawakan ang braso niya na nakapulupot saakin.
"Kasali ka pa naman sana sa sayaw,"
Tumawa na lang ako at pinat ang braso niya.
"Ano oras nga pala practice niyo? Manonood na lang ako kahit saglit."
Kumalas siya at tinignan ang relo niya.
"After class. Tara, balik na tayo sa room."
Kami na lang kasi naiwan dito sa cafeteria. Nauna na sila Keith at sinamahan na lang ako ni Ianrie dito.
Umupo agad ako sa upuan pagkapasok namin sa room. Nakatingin agad sakin si Brozon kaya nginitian ko siya.
"You okay?"
Tumango ako at nilabas na lang ang librong binabasa ko habang naghihintay kay Sir Moi.
**
"Bilisan niyo naman! Sayaw na sayaw na ko!" aya ni Enzo.
"Halata nga e," si Keith.
Nagtawanan kami dahil nung sinabi ni Enzo na sayaw na sayaw na siya nagsimula nga siyang sumayaw. Napapaiwas tuloy yung mga nakakasalubong namin na mga studyante dahil baka mabangga niya.
"Parang baliw," sabi ni Janeah.
Hinawakan bigla ni Enzo ang kamay niya at inikot siya at nagsway. Hindi na namin napigilan at naghagalpakan na kami sa tawa.
"Isasayaw kita 'wag kang mag-alala. Selos lang e,"
"Yuck! Yuck ha! Ew!" sabi ni Janeah at tinulak tulak si Enzo. "Bwisit malaglag ka sana!" singhal ni Janeah.
Wala kaming ibang ginawa kundi magtawanan lang habang naglalakad patungo sa gymnasium. Doon kasi sila magp-practice.
Nagulat ako nung may gumulo sa buhok ko. Tinignan ko si Keith at nakangiti din siya saakin.
"I'm glad you're happy,"
I smiled. Sinong hindi sasaya kung may gantong kaibigan ka?
Nakasabay namin si Kyle at Zoe na papasok sa gymnasium. Kyle is in his usual expression while Zoe is clinging into his arms.
"Yow, Kyle!" bati ni Enzo kay Kyle.
Tinanguan siya ni Kyle. Zoe waved her hand to Enzo before turning her back on us. Gusto ko sanang kumaway kaso mukhang wala siya sa mood.

BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!