"Wait, san pupunta 'yun?" tanong ko kay Brozon at tinignan ulit kung nasan si Kyle na ngayon ay naglalakad na palayo. "Kyle!" malakas kong tawag bago hilahin si Brozon at puntahan si Kyle. "Saan ka pupunta?" tanong ko sakaniya nang malapitan namin siya.
Nilingon niya kami at nakita ko pa ang pagsulyap niya kay Brozon bago siya tumingin sakin.
"Home,"
"Eh? Pero kakakita ko pa lang sayo. Sama ka na lang samin ni Brozon?" aya ko sakaniya.
"You didn't notice me but I was here one and a half hour ago. I saw you came and I saw him too," tinanguan niya pa si Brozon. "Now I'm going home. I don't wanna ruin your moment."
"Papunta na din kami sa bahay. Bibisitahin ko si Kuya. Sama ka na lang saamin?"
Tinignan niya ako sa mata pero hindi ako umiwas. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at pagiwas niya ng tingin.
"Fine."
"Tss," mabilis na tugon ni Brozon kaya tinignan siya ni Kyle.
Nagpapalit palit ang tingin ko sakanilang dalawa. Nung ilang segundo na silang nagtititigan humakbang ako sa gitna nila at nagclear ng throat.
"Tara tara!" aya ko at nagsimula ng maglakad.
Sa paglalakad pauwi hindi ko alam kung paano ko babasagin yung katahimikan na namumuo saming tatlo. Jusko, ito na nga ba yung sinasabi ko. Kaya kong pakisamahan isa sakanila pero yung dalawa silang kasama ko tapos ganito katahimik hindi ko na alam kung paano ko sila iha-handle.
"Grabe, bakit hindi manlang kayo magusap? Ganyan ba talaga kayo katahimik? Hinding hindi ako mabibingi kung kayo kasama ko," sabi ko nung wala pa din talagang nagsalita na isa sakanila. "Ganito na lang, may k-kwento ako sainyo pakinggan niyo ha!"
Habang naglalakad kami pauwi nagkwento na lang ako sakanila nung mga panahong buhay pa si Lolo. Kung anu-ano ng kinwento ko pero nakarating na kami lahat lahat sa bahay wala pa ding nagsasalita sakanila.
"Wow thanks. Napagod lang ako kakasalita." sabi ko at napairap.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nakitang nandun na sila Keith. Ngumiti si Via sa likuran ko kung nasaan si Brozon at nakita kong napatingin si Enzo sa dalawang nasa likod ko bago sumipol.
"Nice. Salamat sa pagbabantay sa best friend ko." sabi ni Keith sa dalawa.
Umupo ako sa tabi ni Julia at nakitang kumpleto na pala kaming lahat dito. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko kaya tatayo na sana ako para kumuha ng tubig pero may dalawang baso na humarang sakin.
"Drink," sabay pa na sabi ni Brozon at Kyle.
Natahimik bigla sila Ate Love na naguusap usap. Napatingin ako sa dalawa at nakitang nagpalitan sila ng tingin bago ako tignan. Hindi ko alam kung anong kukunin ko kaya kinuha ko na lang parehas.
"Uhm, thanks." sabi ko.
"Sakto nauuhaw ako. Zon, akin na lang, ah?" sabi ni Julia at kinuha ang baso na binigay ni Brozon.
Uminom na din ako sa binigay na tubig ni Kyle bago harapin sila Ate Love.
Parang ang awkward ng paligid pero buti na lang nagingay ulit si Enzo kaya bumalik na sa normal na ingay.
Kinuha ko yung cellphone ko nung magvibrate ito. Nakita ko agad ang pangalan ni Unknown at otomatikong napangiti ako at nakaramdam ng excitement.
Unknown:
Hi, beautiful. In case you forgot, I like you and I want you to be happy. Have a great day! :)
Siguro para akong baliw na nakangiti habang nagt-type. Sa halos isang taon na pagt-text sakin ni Unknown kahit hindi ko pa siya kilala alam kong kumportable na ako sakaniya. Merong something na hindi ko maipaliwanag ngayon kada nakikita kong siya na ang nagtetext.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Novela JuvenilBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!