"Defense!" patuloy na sigaw namin dahil nasa kalaban ang bola.
Fourth quarter and we're down by two. Overtime na ito. Malakas maglaro ang players ng Northern University. Halos matatangkad sila pero napapantayan nila Kuya iyon sa opensa at depensa nila.
Napatayo kami nang nakitang nablock ni Brozon ang bola mula sa kalaban at tumakbo habang dinidribble ang bola.
Tinignan ko ang oras.
Ten seconds...
"Brozon, you can do it!" sigaw ni Via at winagayway ang mahabang lobo na para sa EU.
Eight...
Pinaglaruan ni Brozon ang bola bago i-fake pass kay Kyle. Umikot ang bumabantay sakaniya at nang nakatalikod ito sakaniya doon niya pinasa kay Kyle since walang nagbabantay sakaniya at halos lahat ay na kila Brozon o kaya kay Kuya.
"Seems like you forgot one of our players are there!" rinig kong sigaw ni Kuya Darwin.
Napa-cross fingers ako. Binitawan ni Kyle ang bola sa three point line at pumasok ito. Nakita ko kung paano nagbabaan ang tarpaulin at mga lobo ng kabilang University. Nagingay ang mga taga EU at winagayway ang mga dala nila.
"And Easton University's Knights won this game!" anunsyo kaya pumunta na kami sa baba.
Niloloko nilang lahat si Kyle. Ginulo nila Kuya ang buhok niya at nakipag-high five sakaniya ang ibang players.
"Kyle!" tawag ni Zoe at ngiting ngiting nilapitan si Kyle.
Mamaya ko na lang siya lalapitan. Nilapitan ko muna si Kuya and congratulated him. Pati ang iba. Keith hugged me tight kaya pagkalas niya ay basang basa ang magkabilang braso ko. Tumawa lang siya bago balingan si Ianrie.
Nilapitan ko si Brozon at kinalabit siya. Sinisiguro kong medyo malayo ako sakaniya. Nilingon niya ako using his usual expression. Even though Via's already on his side and they won, his expression still didn't change.
"Nice pass you got there," sabi ko.
Tinignan niya ang layo naming dalawa. His forehead creased.
"Bakit ang layo mo?" he asked, amused.
"Mahirap na. Baka kurutin mo nanaman pisngi ko," sabi ko at ngumuso.
Nakita ko ang bahagyang pagngisi niya.
"Silly," parang natatawa pa din siya saakin. "Thanks, by the way."
Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya bago balikan sila Kuya.
And as expected, kumain kami sa isang restaurant. Sinabay nila Tita Love si Zoe sakanila habang papunta kami sa restau na pagkakainan. And I hope Zoe is comfortable with them.
Pagkarating namin sa restaurant ay maingay kaming lahat naglabasan. Sobrang saya ko lagi kada magkakasama kaming lahat at kumpleto.
Pumasok kami sa restau at nalaman kong nagpareserve na pala si Tita Vanessa dito. Tumungo kami sa mahabang table at pinagitnaan agad ako ni Kuya at Julia. Nag-agawan pa nga sila sa isang upuan.
"Ano ba, Kuya! Dun ka!" sigaw ni Julia kay Kuya.
"Hoy, ako nauna dito." sabi ni Kuya at hinatak ang upuan.
"Ako!"
Tumikhim si Tita Vanessa, "Para kayong baliw, no? May upuan pa sa kabilang side ba't hindi kayo doon?" tanong ni Tita at umiling.
Nagkatinginan si Kuya at Julia bago tumakbo sa left side na upuan ko. At nag-agawan nanaman po sila.
"Hoy! Kayong dalawa ba ginagamit niyo utak niyo? Isa sainyo diyan, isa doon sa right side. Jusmiyo! Nasisira kilay ko sa kasiraang ulo na ginagawa ninyo!" bulyaw ni Tita Kinah at napatingin pa sa kilay niya na ayos na ayos.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Teen FictionBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!