Chapter 61

4.2K 132 57
                                        

Mabilis ang araw at nagpasukan na ulit. Hindi na kami pumuntang Cali dahil tinamad din kami ni Kuya. At nung new year, ganun pa din naman. Sabay sabay naming sinalubong ang panibagong taon ng magkakasama.

Sa darating na Friday ay may laro sila Kyle dahil sa Interhigh. Kailangan naming sumama doon dahil kailangan nandun ang squad. Sa ngayon, puro kwentuhan pa muna kung ano ang mga nangyari nung bakasyon.

"Himala, wala pa yung bruha?" tanong ni Via at sumulyap sa likod.

Napasulyap din ako. Ang tinutukoy nila ay si Zoe. Wala pa nga ito sa pwesto niya. Madalas kasi ay pagkapasok namin nandoon na siya o di kaya'y nakasunod na din samin.

"She's texting me from time to time. She's still out of the country," sagot ni Kyle.

"Oh? And you're entertaining her?" nakataas ang kilay ni Julia nang sambitin niya iyon.

"What do you think?" balik tanong ni Kyle sakaniya.

Umirap lang si Julia at umupo na sa pwesto niya. Ganun din ang ginawa namin.

Wala namang bago sa araw na iyon bukod sa halos free time lahat dahil may meeting lahat ng Teachers at bukas may klase na talaga.

Ilang araw pa ang lumipas. Wala pa din si Zoe. Wala naman ng pumansin doon bukod sakin. Pero syempre hindi ko na sinasabi sakanila dahil alam kong wala naman silang ineteres.

Friday na at alas sais ng gabi ang oras ng laro nila Kyle. Kaya pagkatapos na pagkatapos namin sa klase ay didiretso na kaming lahat pauwi para makapag-ayos.

"I'll pick you up," sabi ni Kyle nang ihatid niya ako sa kotse.

"Baka mahassle ka pa. You can go first. Hindi naman ako malelate,"

"No, it's okay. I'll be there at five thirty. Alright?"

Tumango ako. Pinisil niya pa muna ang pisngi ko bago siya dumiretso sa kotse nila. Sinundan naman siya ng tingin ni Julia bago ako balingan na may nakakalokong tingin.

"Okay ka na, teh? Pwede na tayo umuwi?" nangaasar niyang tanong kaya inirapan ko siya.

"Dun na lang magkita-kita, ah!" sigaw ko sakanila at nagtanguan naman sila.

Pagkarating sa bahay ay dumiretso na kami ni Julia sa kwarto ko. Nagpahinga pa muna saglit at naligo na din. Nung matapos ako ay saktong kakapasok lang ni Julia galing kabilang kwarto dahil naligo siya. Nakapang-alis na din siya at handa na siyang ayusan ako.

"Hmm, ano kaya gagawin natin sa buhok mo?" nakahawak pa siya sa baba niya at tinitignan ang buhok ko.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Minake-up-an niya muna ako at nang matapos ay yung buhok ko naman ang pinagdiskitahan niya. Binlower niya muna at pagtapos ay kinulot kulot niya na. Nung tapos na siya doon niya na inilagay ang blue na ribbon na terno ng damit ko.

"Kainis! Ganda talaga ng kulay ng buhok mo!" pagmamaktol niya.

"Edi magpakulay ka din,"

"Pagiisipan ko. Sige na! Magbihis kana dahil mamaya dadating na yung MVP mo."

Siniringan ko na lang siya at pumasok ulit ako sa banyo para magbihis. Tinignan ko pa ang kabuuan ko nung nasuot ko na lahat. Naeexcite nanaman ako kada nakikita ko yung sarili kong suot 'to.

Sinuot ko na din ang puting sapatos ko bago kami lumabas. Wala pa si Kuya dahil may klase pa siya. Si Mommy at Daddy naman ay may inaasikaso ata. Ewan ko.

"Ano oras daw siya dadating?" tanong ni Julia at isinalampak ang sarili niya sa sofa.

"Five thiry daw,"

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon