"You should dribble the ball first before you run. Kung hindi ka magd-dribble at bitbit mo lang ang bola, matatawagan ka ng travelling." explain ni Kyle sakin. "Tignan mo gagawin ko."
Pinatalbog niya ang bola at tumakbo habang dinidribble niya ang bola at shinoot patagilid ang bola.
Tinignan niya ako nang mashoot niya iyon.
"That's what you called lay up." aniya at nilapitan ako.
Puro talbugan ng bola ang naririnig namin. Sigawan dito, sigawan doon. At lahat ng iyon boses ni Julia at Enzo.
"Nak ng teteng! 'Tong dalawang J na 'to paguuntugin ko kayo ang hirap niyong turuan!" speaking of Enzo.
Napatingin ako sakaniya at nakitang hirap na hirap siya sa pagtuturo kay Janeah at Julia.
Tumawa ako nang hinampas ng bahagya ni Julia si Enzo sa ulo ng bola.
"Lumayas ka nga sa harap ko baka ikaw pa ang ishoot ko!" singhal ni Julia sakaniya.
"Buti nga tinuturuan ka pa e. Pasalamat ka naawa pa ako sayo."
"Edi thank you!" irap ni Julia.
"Julia..." saway ni Kuya sakaniya.
Gusto kong mapailing sa inaasta ni Julia. Siya pa talaga ang may balak magalit, no? Samantalang siya na nga 'tong tinuturuan.
"Tapos ka na ba panoorin sila?"
Napatingin ako kay Kyle at nakita kong pinapaikot niya ang bola gamit ang hintuturo niya.
"Pwede na tayo magsimula?" tumango na lang agad ako.
Nakakainis! Masyado akong natuwa sa panonood kila Julia nakalimutan kong may nagtuturo nga pala saakin.
Bumuntong hininga ako at finocus ang atensyon ko sa bola. Dinribble ko iyon habang tumatakbo pero napapatingin ako sa bola at nawawala sa balanse.
"Magfocus ka sa bola pero yung atensyon mo dapat nasa tinatakbuhan mo. Dapat kaya mong pagsabayin yung dalawa." explain niya.
"Pano kung 'di ko kayang pagsabayin?"
"Kailangan mong kayanin kasi kung hindi, matatalo tayo. Nasayo nakasalalay ang scoring."
"Eh--" tinakpan niya ang bibig ko.
"Kesa magreklamo ka magsimula kana lang diyan dahil mahirap yung gagawin mo." sabi niya at tinanggal ang kamay niya sa bibig ko.
Nginusuan ko naman siya. Kailan ba 'to magsasalita ng hindi nagsusungit?
"Shoot mo nga, Bri! Pakita mo 'yang tinatago mong galing." sigaw ni Kuya.
Tinignan ko siya at sumenyas na para bang sinasabi kong Watch me.
Narinig ko ang pagismid ni Kyle pero hindi ko siya pinansin.
Bumuntong hininga ako at finocus ang atensyon ko sa bola. Tumingin ako sa daan at nagsimulang magdribble bago tumakbo at nagside step bago ishoot ang bola.
"Hanep kapatid! Dalaga kana talaga!" sigaw ni Kuya.
"Well." pagmamayabang ko.
"Pahinga naman!" sigaw ni Ianrie kaya huminto na kaming lahat at umupo.
Sumalampak naman ako at magpupunas na sana ng mukha kaso biglang may umakbay sakin at nilagay sa mukha ko ang towel.
"Ano ba!" singhal ko kay Keith at hinatak ang towel.
Pinunas ko iyon sa mukha ko at uminom agad ng tubig.
"Talikod." utos niya sakin kaya tumalikod ako at pinunasan niya naman ako.

BINABASA MO ANG
My Other Half
Fiksi RemajaBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!