"Sweety?"
Napatingin ako sa pintuan nung narinig kong kumakatok si Mommy. Kahit kinakabit ko pa ang hikaw ko ay naglakad ako sa pinto at binuksan iyon.
"Mom," tawag ko sakaniya habang kinakabit ang hikaw.
"Someone's waiting for you downstairs. Move fast." sabi niya at nginitian pa ako.
Bumalik na ako sa loob at kinuha na lang ang mga gamit ko. Umpisa na ng regular class and hindi kami pwedeng malate ngayon dahil Lunes at kailangang umattend ng flag ceremony.
"Oh, hey, Kyle," bati ko sakaniya pagkababa ko. "What... are you doing here?" nagtataka kong tanong.
"Shall we eat first? I waited for you."
"Kasi wala kang kasabay?" tanong ko at natawa.
"Yes, you got it."
Tumawa na lang ako at sabay na kaming pumunta sa kusina. Saktong kakalapag pa lang ni Mommy ng rice kaya umupo na ako. Tinuro ko naman kay Kyle ang upuan na nasa harapan ko.
"Where's Dad and Kuya, Mom?"
"They went out early. Isasabay ka na lang ni Kyle I'm sure." sabi ni Mommy at nilapag ang tubig sa tabi ni Kyle at nginitian ito.
Pagkatapos naming kumain lumabas na kami at sumakay sa sasakyan nila. We were both quiet at first when I broke the silence between us.
"So bakit ka nga nasa bahay?"
"I, uh, just wanted to say sorry. For what Zoe did to you last Friday. I was thinking of going to your house yesterday but I can't. You know..."
"Yes, you're that shy," tumawa ako at umiling. "Can I ask you something?" tumango naman siya. "Do you have any idea why Zoe suddenly acted that way to me? I mean, may nagawa ba ako na sa tingin mo mali?"
Ngayong napaguusapan namin ulit si Zoe hindi ko maiwasang hindi maisip na may mali ba akong nagawa? O may nasabi ba akong hindi maganda?
I know I might sound OA but it hurts losing a friend, you know?
"You did nothing wrong. Siya yung mali. It's just that... you're... you're way too perfect."
Kumunot ang noo ko at agad napatingin sakaniya. Nung nilingon ko siya agad siyang nagiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit bumilis bigla tibok ng puso ko kaya napaiwas na lang din ako ng tingin.
"I mean... ah shit. Nevermind. Basta, sorry okay? I'm sorry I can't protect you from her."
"It's okay, Kyle. Really. Dumadaan naman lahat sa phase na ganto. You'll meet someone temporarily and sometimes they might hurt you to leave a lesson. It's up to you if you'll understand or let your anger control you."
"See? You're really perfect." walang pagdadalawang isip niyang sabi kaya hindi na ako nakakibo.
Pagkadating sa EU bumaba na agad kami at pumasok. Napatingin agad samin sila Brozon nung sabay kaming pumasok ni Kyle.
"What the hell?" narinig kong sabi ni Zoe.
"Zoe, sorry. Hindi ko-" humarang bigla sa harap ko si Kyle nung naglakad palapit samin si Zoe. Nakita kong napatayo na din si Via. Wala pa si Julia and I thank that.
"Sit down, Zoe." malamig na sambit ni Kyle.
Wala na akong narinig na sagot mula kay Zoe at nakita ko na lang siyang umupo na. Sinulyapan ako ni Kyle bago tanguan at umupo sa tabi ni Zoe.
Pinaupo na din ako ni Janeah sa pwesto ko at sakto dumating si Julia.
"What's with the weird vibe?" nagtataka niyang tanong habang tinitignan kami.
BINABASA MO ANG
My Other Half
Fiksi RemajaBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!
