Chapter 48

4.5K 155 52
                                        

"Brina... Brina, wait!"

Hinabol nila ako pero mas lalo kong binilisan ang paglakad ko papuntang parking lot. Naguunahang tumulo ang mga luha ko. Ilang beses ko ng pinupunasan iyon pero walang tigil. Nakakainis!

"Brina!" tawag sakin ni Janeah at nahawakan nila ako sa braso.

Humarap ako sakanila at nung nakita nilang umiiyak ako napalitan bigla ang reaksyon nila.

"Please, okay, please. Tama na muna." pagmamakaawa ko.

"Brina marami ka pang dapat malaman. Alam kong marami ka ding gustong itanong samin pero–"

Tinapat ko ang kamay ko signaling them to stop talking.

"Oo, marami akong gustong malaman pero 'wag ngayon. Hindi ko kayang marinig. Pagkatapos nilang mag-away sa harap ko ayoko na ng kadugtong pa. Nasisira yung pagkakaibigan nila hindi niyo ba nakikita?" umiiyak kong sambit.

"Paano pa si Via? Paano kung malaman mo yung tungkol sakaniya? Brozon used Via to get over you but he failed. Alam niyang masama ang manggamit ng iba pero hindi–"

"Ianrie! Ano ba?!" sigaw ni Julia sakaniya.

Natigilan ako at napatingin kay Ianrie dahil sa sinabi niya.

Ano? Ginamit lang ni Brozon si Via? Hindi totoong sila? Wala silang relasyon?!

"Oh my God," tanging nasabi ko bago ako tumalikod ng tuluyan at naglakad papunta sa sasakyan namin.

Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon. Sumakay ako agad sa sasakyan at sinabihan si Manong na umalis na kami.

Bakit ganito yung nangyari bigla? Kaninang umaga maayos pa kami. Kaninang umaga pumasok ako ng walang away pero bakit ngayon uuwi akong umiiyak?

Pero ang pinagtataka ko pa, bakit si Ianrie mugto ang mata? Bakit siya umiyak?

Pagkauwi ko mabuti wala sila Mommy kaya dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Kinuha ko ang unan at niyakap ito.

Nakakainis naman e. Bakit ba ako umiiyak? Hindi kasi ako sanay na nakikitang nagaaway away sila. Ngayon lang nangyari samin 'to at ang naging dahilan pa ng away ngayon ay ako.

Nag-away si Brozon at Kyle dahil sakin. Nag-away si Julia at Zoe dahil nanaman sakin. Si Via nadamay dito dahil sakin. Si Ianrie kaya? Kung ako pa ang dahilan ni Ianrie ng pag-iyak hindi ko na alam.

Masakit makitang nagaaway away mga kaibigan mo lalo na kung ang turingan niyong lahat magkakapatid na. Sa buong buhay ko hindi ko pinangarap na magkaron ng away saming magkakaibigan.

Hindi ko namalayang nakatulog ako. Pagkagising ko nag-half bath agad ako at nagpalit ng damit. Akmang lalabas na ako pero pagbukas ko ng pinto nakita ko si Yaya Melody.

"Bakit po?" tanong ko sakaniya.

"May naghihintay sayo sa baba, Brina."

"Sino po?" dahil kung isa kila Brozon 'to hindi ako bababa.

"Via daw ang pangalan,"

Tumango ako.

Bumuntong hininga muna ako bago bumaba. Pagkababa ko nakita ko si Via na nakaupo sa sofa at nakauniform pa. Napatingin tuloy ako sa orasan at nakitang alas syete na. Saan pa siya galing at hindi pa siya nakakapagpalit ng damit?

"Hi," base sa tono niya halatang nahihiya siya.

Ngumiti ako sakaniya, "Hi. Saan ka galing? Ba't nakauniform ka pa?"

"Naglasing kasi, e." tumawa siya pero alam kong peke. "Hindi kinaya yung sakit na naramdaman kaya naglasing."

Inosente ako pero hindi ako slow. Alam ko naman kung sinong tinutukoy niya.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon