Chapter 34

4.7K 156 59
                                    

When I say days passed by so fast, I mean it.

Parang kahapon lang pasko. Parang kahapon lang papunta pa lang kami ng Cali ngayon nandito na kami sa eroplano pabalik.

It was a great christmas celebration, like the usual. Kasama namin si Lolo ngayon pero masama daw ang pakiramdam niya. Napansin ko din na namumutla siya kaya pinagpahinga muna namin siya.

Pagkarating namin ng Manila nagpahinga na agad kami. 31 na agad bukas. It means it will be the last day for this year. Bukas din kami bibisita kay Lola, ang mommy ni Mommy.

Kinabukasan naghanda na agad ako. Sinuot ko kung saan ako kumportable at tsaka ko binulabog si Kuya.

Nung hindi niya binuksan ang pinto ay pumasok na ako. Huminga ako ng malalim at sumigaw ng napakalakas.

"KUYA!! NASUSUNOG YUNG KAMA MO!!"

Napabalikwas siya at agad pinagpagan ang paa niya. Tawang tawa ako at tumakbo na ako patungo sa pinto niya.

"Nasan!? Bakit wala!?" nagpa-panic niyang tanong.

Halos maiyak na ako kakatawa. Gusto kong sumagot pero hindi ako makapagsalita kakatawa. Sinubukan kong pigilan ang tawa ko at kumapit ng mariin sa doorknob niya.

"Goodmorning! Maligo kana pupunta na tayo kay Lola!" sabi ko at tumawa ulit bago lumabas.

"BRINA KAYE!! Ililibing kita ng buhay makikita mo!" sigaw niya mula sa kwarto.

"Sasamahan mo ako syempre!" sabi ko pabalik.

Bumaba na ako papuntang kusina. Nakita ko na doon sila Mommy at nakatingin na agad sila sakin ni Daddy. Ngumiti ako ng matamis at hindi iyon nawala sa labi ko.

Uminom ako ng gatas. Pero nung maalala ko yung mukha ni Kuya kanina nung inasar ko siya halos mabuga ko na iyon kay Daddy pero pinigilan ko kaya nasamid ako.

Ubo ako ng ubo. Napatayo si Daddy af tinap ang likod ko habang si Mommy nakita kong nagaalala.

"Ayan! Choke more, little sister! Choke! Choke!" napatingin ako kay Kuya nung sumulpot siya bigla sa gilid ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Bumelat lang siya at umupo sa tabi ni Mommy.

"Ubo lang! Hanggang sa lumabas na 'yang lalamunan mo," sabi niya at uminom din sa baso niya.

"Bryle!" saway ni Mommy.

"What, Mom? Kanina kaya ginising ako sinabi ba namang nasusunog daw yung kama ko. Diba bilis ng karma?"

"Oh God, Blake Kevin. Bakit ganito mga anak mo?" parang problemadong problemado si Mommy nung sinabi niya iyon.

Nung maging okay na ako ay inubos ko ang pagkain ko. Hinintay din namin sila Tita Vanessa bago kami umalis.

"Pano ulit yung pag-ubo mo kanina? Cute. Sana pala pinicture-ran kita. Mangiyak ngiyak kana eh," sabi ni Kuya at humagalpak kakatawa.

"Paano din yung pagmamadali mo kanina nung akala mo nasusunog kama mo? Engot mo no? Pano masusunog eh wala namang magiging cause ng sunog?" bawi ko.

"Kita mong tulog ako. Magf-function ba agad 'yun sa utak ko kung kakagising ko lang? Sino mas engot?"

"Sana kasi dumilat ka agad para nakita mo kung may nasusunog talaga o wala. Nagmukha ka tuloy baliw kakapagpag sa paanan mo. Mamamatay ba apoy kakapagpag mo gamit kamay? Sino engot?"

"Kung-"

"Ang ingay ingay niyo!"

Muntik na akong mapatalon dahil sa sigaw ni Tita Vanessa. Hindi namin namalayan ni Kuya na nakapasok na pala sila dito. Nakatingin sila samin at si Julia iiling iling.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon