"Kada tapos ng sangkapat ay gagawa kayo ng dula mula sa mga kabanatang ating itinalakay. Limang grupo ang kailangan at bawat grupo ay magkakaroon ng limang miyembro. Ito ang listahan ng inyong mga grupo at ihahayag ko na ito sainyo." sabi ni Miss Ruth at tinignan ang notebook niya.
I am torn between English or Filipino. Minsan hindi ko magets ang malalalim na English ganun din sa Pilipino.
Maraming naexcite. Halos gusto ng mga babae ay makagrupo ang mga kaibigan kong lalake para maging Crisostomo Ibarra.
"Pupusta ako, gagawin ka nilang Sisa." bulong sakin ni Keith.
"Sino 'yun?" kuryoso kong tanong.
"Maganda role nun! Maganda din 'yun!" ngumisi siya at tumawa.
"Maganda kasi ako," sabi ko at bumelat pa.
Tawa naman ng tawa ang mokong. Sino ba yung Sisa na 'yun?
"Unang grupo..."
Binanggit na ni Miss Ruth ang magkakagrupo. Walang napunta samin sa group one kaya tuwang tuwa ang mga loko.
"Ikalawang grupo..." binasa ni Miss Ruth ang mga nakasulat. "Ianrie... Keith..."
Tinignan ko si Ruth at nakita kong ang lapad ng ngiti ni Keith. Namula pa ang pisngi nito.
"Ang bading!" tawa ko.
"Kinikilig ako e. Ba't ba?" nakangiti pa din siya.
Halos humagalpak ako sa tawa. Grabe! Ganito pala kiligin ang lalake?
"Ikatlong grupo. Janeah... Via... Kyle..."
Pito bawat grupo. Hindi nabanggit si Brozon sa grupo nila kaya narinig ko ang pagreklamo ni Via.
"What? What group is Brozon?" napatayo pa si Via.
Tinignan siya ni Miss Ruth. "Hindi kita maintindihan, Binibini." sabi ni Miss Ruth.
Nakita kong nainis si Via. Ang rule kasi kapag Filipino time ay purong tagalog ang sasabihin.
"Via!" saway ni Brozon kay Via at hinatak ito paupo.
"I want to be with you!" rinig kong reklamo ni Via.
Hindi ko na lang pinansin ang away nila kahit na naririnig ko ang buong paguusap nila. Ang lamig ng boses ni Brozon.
"Ikaapat na grupo." diyan na ba ako? "Von... Pau... Enzo..."
"Nag iisa!" tumawa si Keith ng asarin niya si Enzo.
Saaming magkakaibigan ay si Enzo lang magisa ang napunta sa ikaapat na grupo.
It means, kaming tatlong natira ay sa group five? Malamang!
"Ikalimang grupo. Julia, Brozon, Brina, Karis, Ryle, Emman, Jav." binaba ni Miss Ruth ang listahan at tinignan kaming lahat. "Iyon ang inyong mga grupo."
"Couz! Magkagrupo tayo!" pumapalakpak na sabi ni Julia.
"Pagkatapos nating maka-labing anim na Kabanata ay gagawin niyo na ang dula. Bahala kayo kung sino ang pinuno na pipiliin niyo. Nakuha ba?" tanong ni Miss Ruth.
Sumang ayon ang lahat. Pinagsama sama ang magkakagrupo kaya napatingin ako sa masungit na kagrupo namin.
"Ryle, ikaw na ang maging leader." sabi ni Karis.
"Tapos ikaw na lang assistant," sabi ni Julia kay Karis.
Pumayag naman kami. Bukod sa ayaw naming magkaron ng obligasyon dito ay mas minabuti naming sila na lang. Mas okay na yung mapili kami bilang character kesa magasikaso ng lahat. Nakakatamad kaya!
BINABASA MO ANG
My Other Half
Ficção AdolescenteBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!