Chapter 39

4.6K 143 80
                                    

"I want you to enjoy life, apo. Leave me here. Babantayan naman ako ng Mommy mo. Go on... join,"

Umiling ako sa sinabi ni Lolo at hinawakan ang kamay niya.

"I'm enjoying here with you, Lolo. 'Wag mo po akong isipin." I told him.

Umiling siya pero ngumiti lang ako.

Kanina niya pa ako pinipilit na sumali bukas sa prom. Gusto niya daw akong mag-enjoy. Eh kaso nga ayoko.

"Sweety, aalis ka diba?" tanong ni Mommy sakin habang nagbabalat siya ng apple.

"Opo," tinignan ko ang relo ko. "Maya maya po. 'Di pa po sila nagte-text e."

Sasama kasi ako sakanila para kunin yung mga gown and tuxedos nila. Pati si Kuya sasama. Nandito naman si Mommy para magbantay kaya okay lang para umalis kami saglit ni Kuya at Julia.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya. Akala ko tuloy si Daddy kasi kamukhang kamukha niya si Daddy. Kumbaga Blake the second talaga!

Tinulak niya ko para umusog kaya nahampas ko nanaman siya agad. Ayan nanaman mangb-bwisit nanaman siya!

"Umurong ka kasi! Pano ako uupo?" singhal niya.

"Pwede mo naman sabihin ba't mo ko tinulak?" singhal ko pabalik.

"E nakita mo namang uupo ako ba't 'di ka nagkusa?"

"Malay ko bang tatabi ka e ang daming upuan oh?"

Sasabat pa sana siya pero tinakpan ko na ng unan ang mukha niya. Ang nonsense nanaman ng pinagaawayan namin!

Kumain na lang din muna ako ng mansanas habang naghihintay ng oras. 'Di rin nagtagal dumating na sila Tita Vanessa kasama si Julia.

"'Di talaga kayo sasaling magkapatid?" tanong ni Tita Vanessa samin.

"Paulit ulit?" sabat ni Tito Jules.

Inambahan siya ni Tita Vanessa pero tumawa lang si Tito Jules at niyakap si Tita. Napailing na lang kami.

"Aalis na kayo?" tanong ni Mommy.

Nagkatinginan kami ni Julia at tumango.

"Bryle, kapatid mo at 'yang pinsan mo, ha?" sabi ni Mommy.

"Tss. Kaya naman nila sarili nila My,"

"Hoy! Pinaghirapan ko 'yang mukhang 'yan. Tiniis ko lahat ng kalmot at sabunot—"

Tinakpan ni Tita Vanessa ang bibig ni Tito at si Mommy hinampas niya si Tito Jules. Nagulat ako nung tumawa si Kuya at si Julia naman napairap.

Ha? Ano meron?

"Walanghiya!"

"Kuya, ano meron?"

Tumatawang tinignan ako ni Kuya at umiling.

"Wala. Tara na!" at hinatak niya na kami ni Julia.

Nagpahatid kami papunta sa bahay nila Janeah dahil doon daw magkikita kita. Pagkadating namin dun, nakita agad namin si Keith at Enzo na naglalaro ng flying saucer.

"Hi, Brina!" sigaw ni Keith habang hinahabol ang binato ni Enzo.

"Hi!" bati ko na lang pabalik.

Pumasok kami sa loob at nakitang nandun din pala ang iba. Bale ang kulang ay si Brozon, Via at Kyle.

"San si Kyle?" tanong ni Julia nung umupo na kami sa sofa.

Nagshrug lang si Ate Love at uminom sa juice niya.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon