Agad akong bumaba. Humablot lang ako ng jacket at sinuot iyon bago puntahan si Mommy. Nakita kong kakalabas niya pa lang galing kusina. Kahit kinakabahan ay nanginginig at nilapitan ko siya.
"Mommy," tawag ko sakaniya.
"Yes, sweety?" malambing niyang tanong.
Muling namuo ang mga luha ko. Unti unting nawala ang ngiti sa labi ni Mommy at hinawakan ang kamay ko.
"Mommy, si Kuya..." tanging nasabi ko at tuloy tuloy na ang luha ko.
Hindi ko alam kung papano ko sasabihin. Bigla bigla na lang bumuhos sakin ang alaala nung naospital si Lolo. I don't want to overthink but I can't help but to do it.
"Ate Melody! Ate! Pakipahanda yung sasakyan!" agad na utos ni Mommy.
Nakita kong naglabasan agad sila Ate Melody galing kusina. Nung nakita nila ang pag-iyak ko ay napalitan ng pagaalala ang mga mukha nila at agad lumabas. Niyakap ako ni Mommy at kinuha ang cellphone niya.
"Blake," tawag niya kay Daddy. "I'll text you the hospital address. Magkita tayo doon. Something happened to Bryle and Brina can't say it. She's crying right now." explain ni Mommy. "Please, make it faster, baby. And take care, okay? I love you."
"Kylie, handa na ang sasakyan." sabi ni Ate Melody.
Wala kaming pinalampas na segundo dahil aagd kaming lumabas ni Mommy. Nung makasakay na kami sa sasakyan hindi pa rin maubos ubos ang luha ko. Si Mommy hindi ko alam kung papano niya nagagawang maging kalmado basta hawak hawak niya lang ang kamay ko ng mahigpit.
"Sweety, saang ospital?" tanong sakin ni Mommy nung magsimula nang umandar ang sasakyan.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text. Nakita kong meron at galing ito kay Unknown.
Unknown:
St. Luke's Hospital.
Papaano niya nalaman? This text was fifteen minutes ago. Pagkatapos na pagkatapos tumawag ni Kuya Darwin tinext niya sakin ito.
Sinabi ko agad kay Mommy kung saan. Binasa ko pa ang mga susunod na text galing kay Unknown.
Unknown:
This may be tough but you need to be brave, Brina. Kaya ng kuya mo 'yan. If you need me, just text me and I'll go there.
Unknown:
Be brave, Brina Kaye.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko at pinunasan ang luha ko. Be brave.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa ospital. Agad tinanong ni Mommy kung nasaang room si Kuya. Napapitlag ako nung may humawak sa balikat ko at nakita ko si Brozon.
Niyakap ko siya bigla at niyakap niya din ako pabalik.
"Your Kuya will be fine."
Napatango na lang ako. Alam ko 'yun.
Sumunod kami ni Brozon kay Mommy. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Brozon habang papunta kami sa kung nasan si Kuya.
Nakarating kami sa ER at nagtanong tanong si Mommy sa mga nurse na dumadaan kung ano na ang nangyayari kay Kuya.
"We'll have to wait," sabi ni Mommy at umupo sa tabi ko.
"Mom, why are you so calm?"
Tinignan niya ako at nginitian.
"I don't know either, sweety. Since then, kahit tinatakbo namin noon si Daddy sa ospital kalmado lang ako. Ayokong sabayan si Vanessa kada natataranta siya kasi magaaway lang kami. It's better if one of us were calm. Iwas away."
BINABASA MO ANG
My Other Half
Novela JuvenilBook three of CNTCQ. :) PS. Story na po ito ng mga anak nila. Hope you'll still enjoy this!