Chapter 5

6.8K 187 12
                                    

Ginawa namin ni Keith ang para sa surprise niya kay Ianrie. Nilabas namin ang mga gamit at pinagpatuloy ang naumpisahan niya na.

Malaking explosion box ang ibibigay niya. Lalagyan niya iyon ng lobo sa loob para pagkabukas ay aangat ang lobo.

"Ito lang?" tanong ko sakaniya habang nag-gugupit.

"Dadaanan ko pa yung bouquet bukas." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa sinusulat niya.

Tinignan ko iyon. Mahaba na ang nasusulat niya. Binasa ko iyon at nang makarating ako sa dulo, hindi ko maiwasang mamangha.

"Wala ka manlang inulit na sentence!" mangha kong sabi.

Tinakpan niya ang ballpen niya at tinignan ako.

"Because I don't lose words when it comes to Ianrie. Hindi pa nga ata sapat itong mahabang papel na 'to para malagay ko lahat. Kulang pa..." malambing niyang sabi.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.

If I fall inlove, will I also be like that? Will I also put so much effort for him?

Siguro. Pero ayokong magpakatanga sakaniya. Maybe twice or thrice lang ako maghahabol sakaniya. Tama na iyon dahil ayoko na mag mukhang desparada kapag sumobra pa doon.

Kasi gusto ko, kapag ako ang nainlove, siya na talaga. Ayokong marami ang mapunta saakin bago ko mahanap ang totoong para sakin talaga.

"Tapos na!" masaya niyang sigaw ng ilagay niya ang chocolate sa gitna.

Tinignan ko ang gawa namin. Manghang mangha ako dahil nakaya ko palang gumawa ng ganun.

Nagulat ako ng hinigit niya ako papalapit sakaniya at niyakap ng mahigpit.

"Thank you for helping me, bes!" bulong niya saakin.

Ngumiti ako at niyakap din siya.

I'm glad to help.

Kinabukasan ay alas sais y media na ko nagising. Naligo ako agad at sinuot ang uniform ko.

Bumaba ako at nadatnan si Mommy doon. Hindi siya sumama kay Daddy!

"Hi Mom!" bati ko at agad hinalikan ang pisngi niya. "Goodmorning!"

"Goodmorning, sweety," matamis na sabi ni Mommy at sinandukan ako ng pagkain.

"Si Kuya po?"

"Maagang umalis. May gagawin pa raw ata sila nila Darwin," sabi ni Mommy at nilapag ang pitsel.

"Thanks, My!" sabi ko at nagsimulang kumain.

Hindi manlang sinabi ni Kuya. Ako lang tuloy magisa ang papasok!

Sinabayan ako ni Mommy kumain. Dito lang daw siya buong araw dahil ilang araw din siyang kasama ni Daddy.

"I heard from your Tita Kinah Keith's putting so much effort on Ianrie. Kasabwat ka pa raw?" patawang sabi ni Mommy.

"Yes, Mom. Kahapon nga po nandito siya. Hindi lang kayo nagabot." sabi ko at uminom sa baso ko.

"Baka nagseselos ka na? Anak, you can tell me if you have feelings for Keith already,"

Halos maibuga ko kay Mommy ang ininom kong tubig. Inagapan ko iyon at pinunasan ang labi ko.

Tumawa si Mommy hinagod ang likod ko.

"Mommy naman! Alam mo namang wala pa po akong balak na mag boyfriend e! Tsaka, bestfriend ko lang po 'yun si Keith. Parang kayo lang ni Tito Jules dati," sabi ko.

"Alam mo ba nung ganyang edad ako kumire na ako. Nako anak! Tunganga lang 'yang lovelife mo kung hindi ka maghahanap ngayon pa lang. Pero mas maganda sana kung isa sa mga barkada mo ang maging boyfriend mo,"

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon