Chapter 31

4.7K 149 47
                                        

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumahan na din siya. Magang maga na ang mata niya kaya tinulungan na namin siya ni Janeah na mag-ayos. Pinagpalit na din namin siya ng damit para kumportable na siya.

Bago kami lumabas ay niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit ag naramdaman ko din ang pagyakap niya sakin.

"I'm sorry..." bulong niya.

"Why are you sorry? Wala ka namang dapat ika-sorry. Basta remember kung ano man 'yan, nandito kaming lahat para sayo, okay? Lalo na ako. I'm only one call away lang kaya."

Pagbalik namin sa room nahalata agad nila na maga ang mata ni Ianrie. Lumabas agad si ate Jeremae at Tita Jai para kausapin si Ianrie.

Lumapit naman ako kay Keith na ngayon ay nakatingin sa labas. Halatang sinusundan niya ng tingin kanina ang magiina na lumalabas.

"Mamaya mo na sundan. Hayaan mo munang magusap usap sila," sabi ko at umupo sa desk.

"Anong problema?"

I shrugged. Hindi ko naman talaga alam. Wala namang sinabi sakin si Ianrie. Iyak lang siya ng iyak at pinapatahan lang namin siya kanina. Wala siyang sinasabi.

Bumuntong hininga si Keith at hinilot ang sentido niya. Napatingin tuloy ako sakaniya.

"Oh ikaw? Ano problema mo?"

Tinignan niya ako at inilingan. I know him too well na alam ko kung kailan siya may tinatago and I can say na may tinatago siya ngayon.

Pero hindi ko na siya kinulit. Ayoko siyang kulitin dahil ayokong makisabay. Sigurado ako na tungkol lang kay Ianrie 'yun.

Pagkabalik nila ate Jeremae lumabas na agad si Keith para puntahan si Ianrie. Inayos ko na lang ang gamit ko at tinago sa pinakailalim ang letter at flowers.

"Who gave you that?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko.

Tinitigan ko ng masama si Kyle na nakadungaw sa likuran ko at sinara ang zipper ng bag ko.

"Don't tell anyone about this. Lalo na kay Kuya."

Nagkibit balikat lang siya kaya halos magpapadyak na agad ako. Ayokong malaman nila!

"'Wag mong sabihin! Pag sinabi mo ibig sabihin hindi kita mapagkakatiwalaan and madaldal ka. Taliwas sa ugali na pinapakita mo." inis kong sabi.

Tumawa siya at nilagay sa bulsa ng pantalon niya ang dalawa niyang kamay.

"Alright. Your secret is safe with me. Pero sino nga nagbigay?" tanong niya.

"Malay ko. Mukha bang kilala ko?"

"Ganda mo naman. May secret admirer ka." sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Tinignan ko kung saan siya pumunta at nakita ko si Zoe na nakangiti habang hinihintay siyang makalapit sakaniya.

'Yan! Kay Zoe na lang siya kesa yung makiusyoso pa siya dito sakin!

Makalipas ang ilang araw nagsimula ng magbigayan ng pointers at magreview ang lahat para sa darating na exams.

Pagkatapos ng exams, christmas break na! Makakahinga na akong maluwag at stress free na ako ng ilang linggo.

"Kuya, 'wag mo kong guguluhin kailangan ko magfocus!" sigaw ko kay Kuya nang makita ko siyang pumasok sa kwarto ko.

"Arte. Ikaw na nga tutulungan eh,"

Umaliwalas agad ang mukha ko. Tutulungan niya ako? Hirap na hirap kasi akong intindihin 'tong topic namin sa Chemistry.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon