Chapter 25

5.6K 161 63
                                        

Sa pagkabigla ko ay kumalas ako sa yakap. Bigla akong nahiya pero ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.

"Damn girl. Why are you so cute," sabi niya at naglakad palayo sakin.

Doon ako natauhan. Tinignan ko siyang naglakad palayo at umupo siya sa bleachers.

"That's my bestfriend,"

Naramdaman ko ang yakap ni Keith sakin mula sa likod kaya napatingin ako sa kamay niyang nasa tiyan ko. Hinawakan ko iyon at napangiti.

"I guess Kyle's really a good coach." sabi niya nang kumalas na siya.

Tumango ako.

Malaking tulong talaga si Kyle. Dahil ang bilis kong matutunan ang paglalaro ng basketball dahil sakaniya.

After that, we decided to rest first before showering up.

Nakaupo kami ngayon sa bleachers at nag-squat si Keith sa harap ko.

"We're gonna go to the locker area. Ako na lang kukuha ng damit mo?" tanong niya.

Tatango na sana ako pero naalala kong may undies ako doon! No way! Hindi niya pwedeng makita 'yun. Hindi na kami mga bata, no!

"Sasama na ako," sabi ko at tumayo.

Ang lagkit ko na. Gustong gusto ko ng maligo para hindi na ako mabahuan sa sarili ko.

"Kayo?" tanong ko kila Janeah.

Umiling sila, "Pasuyo na lang ng undies ko," pabulong na sabi nila sakin.

Tumawa na lang ako at sumama na kila Keith. Panay ang asar nila sakin na kesyo ang yabang ko na daw. Bahala sila. Mga baliw.

"Kyle! Hi! What happened?" napatigil kami sa paglalakad dahil lumitaw yung chix ni Kyle.

"Zoe, what are you doing here?" tanong ni Kyle. So, Zoe is the name of her chix.

Zoe rolled her eyes, "Ano pa ba? Syempre, para makasama ka! Are you done? Let's go!" sabi niya at hinatak palayo si Kyle.

Nakatingin lang kami sakanila. Hindi ko mabasa ang mga expression nila pero ang tatahimik nila.

"I'm with my friends," tumigil sa paglalakad si Kyle at kitang kita ko ang walang ekspresyon niyang mukha ulit.

Ngumiti ng matamis si Zoe. Kaedad lang ba namin 'to? Parang hindi. Ang ganda niya.

"Can I excuse Kyle? I'm sure you'll agree naman so thank you!" she said then hauled Kyle off.

"Enjoy, Zoe and Kyle!" sigaw ni Enzo kaya binatukan siya ni Keith.

Napailing na lang sila Keith bago kami nagpatuloy sa paglalakad papuntang locker area.

Kinuha ko agad ang mga undies namin. Ako na din ang nagbitbit ng damit ko para tatakpan ko ang undies namin. Alangan irampa ko 'yun?

Pagkabalik namin sa Gymnasium, tumungo agad kami sa shower room at naligo. Nagbihis din kami ulit ng spare P.E uniform namin bago lumabas.

"I feel fresh!" sigaw ni Julia habang fini-flip ang buhok niya. Nawiwisikan tuloy sila Enzo.

Bumalik din kami sa room. Wala kaming gaanong gagawin ngayon kaya halos nangalahati ang room dahil kung saan saan na pumunta ang iba. Si Kyle naman hindi pa din bumabalik.

"Kain tayo mamaya!" aya ni Keith habang nakaupo sa desk ko.

"Saan naman?" tanong ni Janeah.

"Sagot mo ba?" kantyaw ni Enzo.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon