Chapter 65 (Final Duello)

3.3K 52 8
                                    

a/n: hello sorry for the late late update na writerr block po ako eh hindi ko alam Kung anong iduodugtong ko so pasensya na po talaga. Maraming salamat na rin po sa paghihintay sa patuloy na pagbabasa nito pati na rin sa mga nag vo-vote and comment. Mahaba habang chapter po ito mga 7k words pambawi sa matagal Kong pag update.

Hindi Ko na patatagalin Enjoy reading!!

***

Chapter 65 (Final Duello)
(Third Person's POV)

Dumating na ang takdang panahon ng paghaharap ng mag ama.  Puno ng tao ang 'Bowl of Bones' para sa gaganaping pagtutuos sa huling duello. Katulad nga ng sinabi ng Mafia boss walang inosenteng tao ang nasa loob nito inilikas na ito kaninang umaga. They triple the security the assassins and reapers are scattered in the island especially in the arena my sniper din sa paligid.

Ang mga dumalong manunuod naman ay mga allies ng Valier lalo na ang anim na malalakas na ka alyansa ng Famiglia. Present din ang mga heir and heiress nito. Lahat sila ay nag aabang sa taong hinihintay nila. Sir Kenjie and Lady Euxine was already in the balcony of the arena they silently waiting for their daughter. Si Kiryuu naman ay hindi mapakali sa lugar niya kasama niya si Mikhail, Shin, Yuzan at may kasama pa silang dalawang tao na kabilang sa dalawang ka alyansa nila. Kion Gremory and Varona Walsh.

"Hoy Kiryuu!! Pwede bang maupo ka kanina ka pa lakad ng lakad eh ako na ang nalilito sayo! Would you please calm down." Inis na sabi ni Kion. Pero isa rin siyang di makapakali, ngayon na nga lang siya nakabalik dito tapos malalaman niya yung kaibigan niyang si Kanade ganito pa yung sitwasyon.

"Look who's talking isa ka ring hindi mapakali you keep on fidgeting your hands." Mata Ray na komento naman ni Varona habang may ginagawa sa laptop niya.

"Hindi kita kinakausap kaya wag kang sumagot! Bastos na bata." Inis na sabi ni Kion kay Varona natigil naman ang dalaga sa ginagawa niya at lumingon kay Kion who's wearing his smirk at sinamaan naman siya ng tingin ng dalaga.

"What did you just say?! Ako bata? I'm not a kid anymore!! Ikaw nga gurang na!!" Galit na sigaw ni Varona. Bigla naman nawala yung nerbyos ni Kiryuu dahil sa dalawang nag aaway, sila Shin naman tahimik din na nanunuod sa dalawa.

"What?! Tinawag mo akong matanda?! Itong mukhang to? Excuse me I'm just 20 years old and still young at ikaw ilang taon ka palang? 15? Eh hindi pa nga umuumbok yang dibdib mo eh." Sabi naman ni Kion na mapang asar.

Nagngitngit naman sa galit si Varona dahil sa narinig niya ang bastos talaga ng bibig ng Gremory na to.

"Hoy tanda!! Ang bastos ng bibig mag momog ka nga ng holy water baka sakaling luminis ang lumalabas dyan sa bibig mo." Inis na sabi ni Varona.

'Kahit kelan talaga pag nag sama ang dalawang to laging may nangyayaring world war. Itong si Kion naman ang tanda tanda na papatulan pa yung bata. Tsk lage nalang silang ganyan.' Sabi naman ni Kiryuu sa isip niya habang pinapanuod yung dalawa.

"Bata!"

"Gurang!"

"Bata!"

"Gurang!"

"Bata!"

"Gurang!"

"Damn!! Would you two just kiss!!" Inis na sigaw ni Mikhail mukhang hindi na siya nakatiis sa ingay ng dalawa kaya sinigawan na niya ito dahil nakaka-caught na kasi sila ng attention ng mga tao sa paligid nila.

She's Dangerous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon