1.1

3.5K 58 0
                                    

Tapos na ang pangalawa'ng subject ko sa araw na’yun. At dahil may bakante pa naman ako'ng oras bago ang next subject ko, naisipan ko'ng maglagi nalang muna sa library habang naghihintay ng oras. Talaga'ng gusto ko'ng pinapaligiran ako ng mga libro, hindi ko alam pero akit na akit ako sa amoy ng mga ito. Naaaliw ako sa bago'ng kaalaman na tinuturo nito sa'kin maging ang mga bago'ng mundo na binubuksan nito para sa'kin.

   Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may tumapik sa balikat ko—si Clark. Ang bestfriend ko na wala'ng iba'ng inatupag kundi ang mang-chiks, isa nga siya sa mga maituturing na kilabot ng paaralan namin.

     “Nakapag-chat ka ba kay Monique?” ang agad na tanong niya pagkaupo sa tapat ko.

     “Oo, nagtawagan kami kagabi, ang sabi niya miss na miss na raw niya ang Pilipinas.”

     “Eh kailan daw ba ang uwi niya?”

     “Pag tapos na siya'ng mag-aral dun.”

     “Ah, ganun pa rin pala ang plano niya. Well, sana nga hindi siya maaliw dun sa Canada...at baka hindi na nun maisipan'g bumalik dito.”

     “Wag mo ngang sabihin yan.”

     “'Baka' lang naman ang sinabi ko, relax lang diyan noh.”

     “Baka kasi magkatotoo ang sinabi mo.”

     “At ayaw mo talaga'ng maglagi siya sa Canada eh noh?” ngisi'ng tanong nito.

     “Bakit gusto mo rin ba?”

   Nawala ang nakakaasar niya'ng ngisi.

     “Ayoko rin naman, sayang 'yun'g ganda at kasexyhan ni Monique kung ang mga taga ron lang ang makakasama niya.”

     “Pinapairal mo na naman 'yan'g pagiging babaero mo. Para lang ipaalala ko sa’yo, kaibigan natin si Monique at 'wag mo siya'ng tataluhin. Naiintindihan mo?”

     “Oo na, pasensya na.”

   Naging kaklase namin ni Clark si Monique noong elementary. At hindi lang siya isa'ng kaklase, naging kabarkada namin siya. Noong highschool naman, niligawan siya ni Clark pero hindi nagpadala si Monique sa mga pambobola nito.

   Wala naman'g masyado'ng nangyari'ng maganda sa pinapasukan ko, kapag nasa paaralan kasi ako, nakafocus lang ako sa pag-aaral. Hindi naman sa nagmamalinis ako, pero hindi ako kagaya ni Clark na kapag nakakakita nang maganda'ng babae ay agad siya'ng nadi-distract at kinakausap agad ito. Ewan ko nga ba kung ba’t naging bestfriend ko pa ang loko-loko'ng ‘yun, hindi naman kami pareho ng ugali.

   Tapos na ang huli'ng subject ko sa araw na’yun. Pero ayoko muna'ng umuwi, alam ko kasi na kapag umuwi ako, si Mama Danita ang una ko'ng makikita at tiyak gagawin na naman ako'ng baby nun. Kukunin ang bag ko, tapos ibibigay sa’kin ang bedroom sleepers. At habang tinatanggal ko ang sapatos ay pinupunasan niya ang likuran ko. Buti nalang talaga wala kami'ng mga kasambahay, dahil 'pag nagkataon baka matagal na ako'ng pinagtatawanan. Si Mama kasi, tingin pa rin niya sa’kin, 'yun'g baby boy niya.

   Nanatili lang ako sa driveway namin, ayoko talaga'ng pumasok muna sa loob. Tawag na nang tawag si Mama sa’kin pero hindi ko 'yun sinasagot.

   Isa'ng oras ang lumipas mula nang manatili ako sa driveway namin. Nasilaw ako sa liwanag galing sa isa'ng sasakyan, tumayo ako habang nakakunot ang noo dahil sa silaw.

   Kotse ni Papa.

   Makakapasok na rin ako ng bahay, kanina pa talaga ako nilalamok habang naghihintay.

   Binuksan ni Papa ang bintana at inilabas ang ulo niya.

     “Kevin, ba’t nandito ka lang?” tanong niya sa’kin habang naglalakad ako palapit sa passenger side.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon