25.1

1.8K 32 3
                                    

(D A N I T A)

Pumasok ako sa kwarto ni baby girl para gisingin siya dahil gusto ko'ng magpatulong sa kanya sa paggawa ng nilaga'ng baka. Pero nang buksan ko ang pintuan at nang pumasok na ako ng kwarto niya ay napanganga ako.

   Prinoseso pa ng utak ko ang nakikita ko.

   Hanggan'g sa tuluyan na ako'ng sumigaw.

   Magkatabi sila ni baby boy sa kama at wala pa'ng damit pang-itaas si baby boy!

   Nagising ang dalawa sa ingay ng sigaw ko. At nang makita ni Hani si Kevin ay napasigaw rin siya at tinadyakan ang anak ko kaya nahulog ito sa kama.

     “Kevin! Kailangan mo'ng panagutan 'to!” hysterical na pagkakasabi ko at nilapitan ko si Hani para yakapin ‘to. 

     “What?” tanong ni Kevin.

     “Tita, hindi po.” sagot naman ni baby girl.

     “Baby girl, kailangan'g managot si Kevin sa ginawa niya sa’yo.” sabay haplos sa buhok niya.

     “Po?”

     “Ma, wala naman'g nangyari sa’min.”

     “Eh ba’t dito ka natulog? At ba’t nakahubad ka?”

     “Ma, wala nga ako'ng ginawa'ng masama kay Hani. Baka nga siya 'yun'g may ginawa sa’kin eh, diba ako 'yun'g nakahubad, hindi siya?”

     “Hoy ang kapal ng mukha mo ah!” sagot ni Hani kay Kevin.

     “Ano'ng nangyayari rito?” bigla'ng pagsabat ni Alfonso.

   Tumayo ako at nilapitan ang asawa ko.

     “Papa, nakita ko sila'ng magkatabi sa kama natutulog tapos wala'ng damit pang-itaas si baby boy.” sabay turo pa kay baby boy.

     “Ano? Kevin, ano ba'ng ginawa mo? Bakit ka nandito?”

     “Pwede po ba'ng mag-explain muna ako?”

   Natahimik kami'ng apat.

     “Alright, I’ll give you time to fix yourself at dun tayo mag-usap lahat sa sala.” utos ni Alfonso.

   Sinundan ko si Alfonso sa pagbaba ng hagdan at hindi ko mapigilan'g ngumiti at kiligin. Si baby boy rin pala ang gagawa ng paraan para matupad ang pinaplano ko. Medyo mali 'yun'g way niya, pero bahala na.





(K E V I N)

“Ano ba kasi'ng nangyari kagabi? Uminom lang naman ako ng grape juice at," natahimik ako saglit. "Basta wala ako'ng ginawa'ng masama kay Hani. Antok na antok na ako kagabi kaya imposible'ng nagawa ko 'yun'g sinasabi ni Mama.” sabi ko habang naghihilamos.

   Sigurado'ng-sigurado talaga ako.

    

“Baby boy hindi kita pinalaki'ng ganyan! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ni baby girl!” emosyonal na sabi ni Mama. Emosyonal nga pero over acting naman. Ang OA ni Mama talaga.  

     “Ma! Wala nga po'ng nangyari.” pagtatanggol ko sa sarili ko'ng hinuhusgahan ng sarili ko'ng ina.

     “Pa’no ka nakakasiguro?” 

     “Ma, kilala ko ang sarili ko, oo inaamin ko na nalasing ako, pero wala ako'ng ginawang masama kay Hani.”

     “O lasing ka kagabi, kaya hindi ka sigurado sa mga nangyayari.” 

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon