10.1

1.6K 34 1
                                    

(K E V I N)

“Hindi man lang ako pinansin?” pagtatanong ng isipan ko nang magkasalubong kami ni Hani at lagpasan lang niya ako. Hanggang ngayon ba ay galit pa rin siya sa’kin dahil sa carousel?

   Bumaba ako at pumunta sa patio ng bahay. Nagpahangin lang ako at hindi ko mapigilan'g isipin ang pag-iwas ni Hani sa’kin.

     “Wag mo nga'ng isipin ang babae'ng 'yun. Hindi ka rin naman iniisip nun.” reklamo ng isipan ko.

     “Baby boy, kakain na!” pagtawag ni Mama.

   Napalingon ako at nagtaka. Himala, hindi si Hani ang inutusan ni Mama na tumawag sa’kin. Siguro isinumbong ng kutonglupa'ng 'yun kay Mama ang ginawa ko.

   Sa paghahapunan naming apat, ramdam ko na may kakaiba sa bahay.

     “Ba’t ang tahimik niya ata.” puna ng isipan ko nang mapansin ko si Hani na nakayuko lang at kumakain sa niluto'ng chicken galantina ni Mama.

   Sinipa ko ang paa niya at tumingin lang siya sa’kin pero ni hindi man lang siya umirap o lumaban ng tingin. Yumuko lang ulit siya at nagpatuloy sa pagkain.

   Tiningnan ko si Papa at Mama, pareho rin sila'ng tahimik. Kunsabagay, hindi naman talaga kami masyado'ng nag-uusap kapag kumakain kami pero nagbago 'yun nang dumating si Hani.

   Pero maging si Hani, hindi na rin nagsasalita para masimulan ang pag-uusap. Hindi na ako nasanay sa tahimik na kainan kaya ako nalang ang nagsimula'ng magsalita.

     “Bukas na pala ang family dinner, excited na ako'ng makita ang PAMILYA ko.” bigla'ng sabi ko at sinulyapan ko si Hani. Pero hindi naman ata siya interesado sa sinabi ko.

     “Talaga, baby boy?” masigla'ng tanong ni Mama.

   Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

     “Opo, tiyak masaya 'yun, kasi isa'ng buo'ng pamilya tayo.”

     “Tama ka diyan, Kevin.” pagsang-ayon ni Papa.

   Sumulyap ako kay Hani pero tahimik pa rin siya. Ano kaya'ng problema ng babae'ng ‘to?

   Bahala nga siya kung ayaw niya ako'ng pansinin.










( H A  N  I )

Bwesit talaga 'yun'g si Kevin. Ano'ng akala niya sa’kin, boba? Alam ko naman na ako 'yun'g pinariringgan niya kanina habang kumakain kami.

   Nakakainis! Hindi tuloy ako nag-enjoy sa niluto'ng chicken galantina ni Tita. First time ko pa naman'g kumain nang ganun.

  

Nang mag-isa nalang ako sa loob ng kwarto'y dinampot ko ang bag ko at kinuha ang picture ng mga magulang ko na nasa loob ng pitaka ko.

     “Mang, Pang, sana po nandito kayo para mapamukha ko sa Kevin na’yun na may pamilya rin naman ako," ang sikip ng dibdib ko, napatingin ako sa labas ng bintana.

     "At karapat-dapat din naman ako'ng makaranas ng isa'ng buo at masaya'ng pamilya.” maluha-luha ko'ng pagkakasabi.

   Bumuntong-hinga ako.

    “Wag ka'ng umiyak Hani, hindi ka dapat magpatalo sa pang-aasar ng lalaki'ng ‘yun. 'Wag mo nalang siya'ng pansinin para balewalain ka nalang din niya. Hindi bagay sa kanya ang oras mo.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon