3.2

1.9K 34 1
                                    

Pag-uwi ko ng apartment ay agad ko'ng ibinalita kay Ate Rana ang good news. Excited na excited ako sa pagbukas pa lang ng pintuan para magkwento.

"Ate, buti at naabutan pa kita rito." nakangiti ko'ng sabi nang makita ko sya.

"O ba't ang saya-saya mo, at sa'n galing 'yan'g hawak mo'ng kahon?"

Kinilig ako at umupo sa bangko.

"Ate, kanina kasi may inaway ako'ng babae, eh pa'no ba naman pinapahiya niya ang Mama niya'ng matanda sa kalsada kaya ayun inaway ko. Tapos Ate, may bumilib sa'kin na isa'ng mabait, maganda at mayaman'g babae na may ari ng isa'ng pastry shop! At binigyan niya ako ng trabaho!" masaya ko'ng pagkukuwento na para ba'ng nakita ko ang crush ko.

"Ang bait naman niya, Hani." nakangiti'ng sagot ni Ate.

"Sinabi mo pa Ate, at napakaganda pa niya. Para siya'ng fairy godmother ko."

"Naku, ngayon'g may regular ka ng trabaho, hindi mo na kailangan ng marami'ng raket, so iiwan mo na ang pagbibenta ng burger sa plaza?"

Napaisip ako. Oo nga pala, regular na ako sa pastry shop. Kung ganun hindi na ako pwede sa pagdidilever ng gatas at diyaryo pati na rin ang magtinda sa plaza.

"Hani?"

Napatingin ako kay Ate Rana at sumagot.

"Magpapaalam pa ho ako sa boss ko."

"Dapat lang, hindi rin maganda'ng attitude kung basta-basta ka lang mawawala."

"Ay Ate alam ko ho 'yan. Siyanga pala sa'yo po 'to'ng dinala ko. Kukuha lang din ako ng isa'ng piraso tapos dadalhin ko kay Ces. Libre lang naman 'to eh, binigay ni Ma'am Danita."

"Danita ang name niya?"

"Opo, yung may-ari ng Danita's Pastry Place."

"Ah, mukha'ng nadaanan ko nga 'yun'g shop na 'yan."

Ngumisi ako, at biglang, "Ay! Maliligo muna ako ulit Ate bago ako pumunta sa burger stand para magpaalam, amoy araw na talaga kasi ako."

"Okay." sagot ni Ate habang kinakain ang dala ko'ng pastry.





Pagdating ko sa burger stand banda'ng alas 4:30 ay napansin ni Ces ang ngiti sa mukha ko.

"Hoy ba't nakatayo ka lang diyan? Tumulong ka nga."

"Nagpaalam na ako kay Boss kanina, ang sabi ko sa kanya, magreresign na ako."

"Resign!? Nababaliw ka na ba? 'Wag ka namang sumuko agad Hani. Makakahanap ka rin ng panibago'ng trabaho, pero 'wag mo naman!g idamay ang trabaho mo rito sa burger stand." ka-OA-han nito'ng si Acesia.

"Gaga, kaya nga ako magre-resign kasi may bago na ako'ng trabaho at 10 hours ako ron, mula umaga hanggang gabi kaya baka mamatay na ako kapag hindi ko giniv-up ang trabaho ko rito at dun kay Intsik."

"Hindi ko gets. May iba ka ng trabaho? Ano naman? At saan?"

"Kung maka-C.I. naman 'to. Dun sa ano, sa isa'ng pastry shop. Malapit lang rito. Danita's Pastry Place ang name ng shop at isa ako'ng REGULAR waitress. Hindi contractual, kundi regular."

"Weh? Agad agad? Ni hindi ka pa nga nagsisimula?"

"Hindi ko nga din alam eh, pero ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Chill siya'ng kasama, parang...parang 'yun'g naramdaman ko sa inyo ni Ate Rana nung una ko rin kayo'ng makausap. Parang ganun. Tingin ko, magkakasundo kami."

"Ganun? So ibig sabihin ba nito, hindi na kita makakasama rito?"

"Oo."

"Kainis."

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon