4.1

2K 29 2
                                    


(K E V I N)

Matapos ko'ng mag-withdraw ay papaalis na dapat kami ni Joey. Tiningnan ko ang babae'ng nagpahiya sa’kin kani-kanina lang, tumingin rin siya sa’kin. 'Yun'g mga tingin na para ba'ng gusto ako'ng hamunin ng suntukan. Sa sobra'ng inis ko ay nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi ako nagpasindak, kahit na babae pa siya, may mali naman siya sa ginawa niya. Bakit ako magso-sorry?

     “Nakakabwiset 'yun'g babae'ng 'yun!” inis ko'ng reaksyon sabay sapak sa manebela sa mga oras na nasa loob na kami ng kotse ko.

     “Kevin, wag mo nalang pansinin 'yun, it was just a simple misunderstanding, hindi naman niya alam na magpinsan tayo.”

     “Kahit na, hindi dapat siya sumugod ng ganun-ganun, pinahiya niya 'ko.”

     “Yan, kaya ka napapa-trouble, masyado ka'ng protective sa ego mo. Pero alam mo ba? Ang tingin ko sa babae'ng 'yun may prinsipyo siya, ayaw lang niya na nakakakita ng may naaagrabyado'ng tao, kaya siguro sinita ka niya.”

     “Pero mali siya ng binangga. Wala naman ako'ng ginawa'ng mali. Ang ayos ng buhay ko bago niya ako tapikin kanina.”

     “Ano ka ba? Sinabi ko ng kalimutan mo na 'yun. Hala ka, hindi ka makakatulog niyan.”

     “Hindi rin noh, para sa babae'ng yun? Hindi ako makakatulog? Ano siya sinuswerte?”

   Napangiti si Joey.

     “Talaga'ng naaasar ka ha? Grabe naman ata ang impact ng babae'ng 'yun sa’yo.” natatawa niya'ng pagkakasabi, para ba'ng nanunukso siya.








( H A  N  I )

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa’kin kanina sa mall. 'Yun ang una'ng beses na may nakaaway ako'ng isa'ng lalaki. Oo gwapo sana siya, pero hindi maitatago ng maganda niya'ng mukha ang kawala'ng respeto niya sa mga babae, bwesit talaga ang ulupong na ‘yun.

   Kanina, maging sa biyahe pauwi, dala-dala ko pa rin ang inis ko at paulit-ulit sa isipan ko ang mukha ng lalaki'ng yun at 'yun'g mga masasakit niya!ng sinabi patungkol sa’kin. May topak daw ako? Eh sino kaya'ng mas may topak sa’ming dalawa?

     “Salamat sa regalo Ces.” naiinis ko'ng sabi nang pareho na kami'ng nakatayo sa labas ng apartment.

     “Oi okay ka lang ba?”

     “Oo, ok lang ako kahit na bwesit na bwesit ako sa matangkad at mestiso'ng ulupong na’yun. Ok na ok lang ako. Super!” sarkastiko ko'ng sagot.

     “Grabe naman kung makadescribe, positive at negative talaga? Joined forces?”

     “Ah basta, nakakabwesit siya.”

     "Eh gaga kasalanan mo rin naman, sugod ka nang sugod, mali naman."

     "So, kasalanan ko?"

     “Oo kasalanan mo. Kayo'ng dalawa parehong may attitude. Kaya pwede ba kumala-kalma ka? Namumula ka na, hala ka baka atakihin ka niyan sa puso.”

     “At least ako may puso, eh 'yun'g mayabang na 'yun? Hindi ata tinubuan ng puso kaya nagkaganun, ang kapal talaga ng mukha, nag-sorry na nga ako kung ano-ano pa'ng sinasabi.”

   Bumuntong-hinga si Ces at hinaplos haplos ang likod ko.

     “Kalimutan mo na yun, nangyari na ang nangyari. Hindi na kayo magkikita ulit non, kaya mag-move on ka na. Birthday mo pa naman ngayon dapat masaya ka.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon