20: Da Moves (Danita's Moves 101)

1.5K 26 0
                                    

(D A N I T A)

Oh my! Si Babyboy at si Babygirl, magkasama sa iisa'ng kama! Mukha'ng ito na ang bunga ng pagsasakripisyo ko nang dalawa'ng buwan. Tingin ko unti-unti na talaga sila'ng nahuhulog sa isa’t isa. Konti'ng pihit nalang at mangyayari na rin ang pinapangarap ko.

     “O akala ko ba dun ka matutulog sa ospital?” tanong sa’kin ni Alfonso nang pumasok na ako sa kwarto namin'g dalawa.

   Agad naman ako'ng ngumiti at sinagot ang asawa ko.

     “Hindi na kailangan, ngayon panatag na ang loob ko na hindi magsasakitan ang dalawa.”

     “Bakit?”

     “Alam mo ba na nakita ko'ng magkatabi sila sa pagtulog?”

     “Ha? Sana sinita mo.” 

     “Ba’t ko gagawin 'yun?”

     “Danita, babae at lalaki 'yun'g dalawa'ng bata. Baka kung sino ang makakita sa kanila at kung ano pa'ng isipin.”

     “Bahala sila. Basta ako, kinikilig ako sa dalawa, at ngayon mas tumitibay na ang ebidensya ko na sila'ng dalawa ay may nararamdaman para sa isa’t-isa."

     "Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

     "Exhibit A, nagdisesyon mismo si Kevin na siya ang magbabantay kay Hani. Bakit niya gagawin 'yun kung hindi niya gusto? Exhibit B, magkatabi sila sa pagtulog. Again, bakit niya gagawin ang isa'ng bagay na hindi niya gusto? Kilala naman natin si Kevin. Alam natin ang ugali niya. Ni ayaw nga 'yun magpayakap sa'kin, tapos ngayon tatabi siya sa isa'ng babae na hindi naman niya kaano-ano."

     "Sabagay, iba rin 'yun'g pag-aalala sa mukha niya nang malaman na nasa ospital si Hani."

     "See? Kaya gagawin ko lahat nang makakaya ko para maging ligal na daughter-in-law ko si Hani.”

     “Ano'ng iniisip mo'ng gawin?”

     “Hindi ko pa alam sa ngayon. Magpaplano muna ako. Kaya ikaw Papa, dapat maging mapagmatyag ka rin, at dapat mag-isip ka rin ng paraan para makatulong ka sa pagbuo ng lovestory nina Babyboy at Babygirl. Para sa future grandchildren natin ito. Para sa susunod na henerasyon ng mga Romero kaya dapat lang gumalaw-galaw tayo.”

     “Gusto mo rin ako'ng umarte kagaya nang ginawa mo sa Batangas?”

     “Hindi naman sa ganun, ah basta ikaw na ang bahala'ng dumiskarte.”

     “Hayaan mo nalang kasi na sila mismo ang makaramdam nang pagmamahal hindi 'yun'g pinipilit mo. Mas maganda ang kalalabasan ng isa'ng bagay kung hindi pilit.” 

     "Kung hahayaan natin ang dalawa, maghihintayan lang sila. Kasi 'yan'g anak mo, pakahina, totorpe-torpe. Kapag wala ako'ng ginawa, eh di mapupunta sa iba'ng lalaki si babygirl."

     "Mama, oo nandun na tayo sa possibility na may gusto na nga ang anak natin kay Hani. Pero sana hayaan mo lang muna rin na si Kevin mismo ang haharap sa nararamdaman niya. 'Yun lang naman ang point ko."

     “Kailan pa mangyayari 'yun kung ganun?—Ah basta, I will do everything and anything para maging Mrs. Romero rin ang baby girl ko. Pareho kami ng ugali kaya dapat pareho kami ng apelyido. She's my successor.”














(K E V I N)

Mag-aalas sais ng umaga ako nagising, pagdilat pa lang ng mga mata ko ay ang tulog na mukha ni Hani na ang agad ko'ng nakita.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon