22: Family Vacation

1.7K 34 1
                                    

(K E V I N)

Sa kalagitnaan ng buwan ng Marso, habang nagsusulat ako isa'ng gabi sa loob ng kwarto ko ay bigla na naman'g pumasok ulit si Hani na natataranta.

     “Kevin.” pagtawag niya na nagpagulat sa’kin. Dali-dali ko'ng sinara ang notebook at tumingin sa kanya.

     “Bakit ka bigla'ng pumasok?” maiinis na sana ako pero nabahala ako sa mukha ni Hani.

     “Busy ka ba?”

     “Bakit?”

     “Um, nag-shutdown kasi 'yun'g laptop ko. Kanina may nireresearch lang kasi ako. Eh hindi ko alam kung ano'ng gagawin, baka naman pwede mo'ng tingnan saglit, matalino ka naman diba?”

   Tinitigan ko siya, bakas sa mukha niya na kailangan nga niya ng tulong ko at seryoso siya sa puntong ‘yun kaya ba’t ko naman siya tatanggihan?

     “O sige, susubukan ko.” sabay tayo. 

   Napangiti si Hani.

     “Salamat.”

     “Susubukan ko lang ha? 'Wag ka'ng mag-expect masyado.”

     “Ses. Oo na.”

   Sabay kami'ng lumabas ni Hani ng kwarto ko para puntahan ang kwarto niya. May kung ano'ng napindot lang pala siya sa keyboard kaya nag-hang ang screen at bigla'ng nag-shut down mag-isa ang laptop niya. Buti nalang at naagapan ko pa ang ginawa niya sa laptop at nabalik ito sa dati.

   Sa oras na inaayos ko 'yun ay nakaupo lang si Hani sa tabi ko, nakikitingin sa ginagawa ko. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari pero imbis na magpasalamat siya ay nainis pa siya sa’kin.

     “Hindi mo 'ko kailangan'g lecturan.”

     “Sinasabi ko sa’yo 'to para sa susunod na mangyari ulit 'yun alam mo na ang gagawin, pa’no kung wala ako rito?”

     “Oo na! Hindi mo na nga sabi ako kailangan'g sermonan.”

     “O ayan, ok na ang laptop mo, sa susunod kasi mag-iingat ka sa mga kini-click mo.”

     “Sorry na.”

   Tumayo ako at lumabas na ng kwarto niya.

     “Kevin, salamat pala ha?” pahabol niya pa. Isa'ng tango lang ang sinagot ko at tuluyan nang pumasok ng kwarto ko.

   Masaya ako na nakatulong ako sa kanya.

   Masaya ako na kailangan niya 'ko.








“Can I have a minute, son?” tanong ni Papa nang bigla siya'ng pumasok sa loob ng opisina ko.

     “Siyempre naman po. Tungkol sa’n po ang pag-uusapan natin?”

     “It’s about Hani.”

   Si Hani lang pala, akala ko kung ano'ng importante'ng bagay ang pag-uusapan namin, 'yun pala tungkol lang kay kutong-lupa.

     “Ano po'ng tungkol kay Hani?”

     “Napag-isip-isip kasi namin ng Mama mo na mag-leave muna tayo'ng tatlo sa trabaho natin."

   Nagtaka ako.

    "Gusto kasi ng Mama mo na e-treat si Hani sa Hongkong, gusto niya'ng dalhin ang babygirl niya sa Disneyland.”

     “Aalis po tayo ng bansa?”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon