7.4

1.6K 31 5
                                    

( H A  N  I )

Talaga nga naman! Ako pa ang ginawa'ng dahilan ng pag-iinarte niya. Ang kapal talaga ng mukha ng ulupong na’yun!

   Hindi nga siya nagpapigil sa Mama niya, talaga'ng umalis ang ulupong at pumunta sa kwarto niya.

     “Hani, nagtalo na naman ba kayo?” tanong ni Tita sa’kin.

     “Ako na po'ng bahala, Tita, kakausapin ko nalang po siya.”

     “Sige, baby girl.”

  Hindi ata tinablan ng mga sermon ng pari ang lalaki'ng 'yun.




(K E V I N)

Palapit na dapat ako sa kwarto ko pero narinig ko na may sumusunod sa’kin. Sa paglingon ko ay napansin ko si Hani kaya ako tumakbo at mabilis na pumasok sa kwarto. Isasara ko na dapat ang pinto pero humarang si Hani. May angkin'g lakas at liksi rin pala ang kutong-lupang ‘yun.

     “Umalis ka diyan.”

     “Ayoko, mag-usap muna tayo.”

     “Umalis ka diyan, kung hindi iipitin ko 'yun'g daliri mo.”

     “Eh di gawin mo.”

   Tinulak ko ang pinto at naisara ko nga pero sumigaw naman si Hani. Nang marinig ko 'yun ay nagulat ako sabay bukas ng pinto.

   Dali-dali'ng pumasok si Hani sa loob ng kwarto ko.

     “Naipit ka ba?” tanong ko.

     “Huh? Ah, Kumpleto pa naman 'to'ng mga daliri ko.” sabay pakita pa sa dalawa'ng kamay niya.

   Nakahinga ako nang maluwag.

     “Ba’t ka sumigaw?”

     “Para makapasok sa kwarto mo.”

   Nagsinungaling lang pala ang kutong-lupa.

     “Ano ba'ng kailangan mo? Ayoko'ng makita ang mukha mo.”

     “Asus, tama na nga 'yan'g pagiging isip-bata mo, bumaba ka na at kumain.”

     “Sinabi ko na nga'ng ayoko.”

     “Talaga lang ha? Paborito mo pa naman 'yun, at hala ka baka 'pag natikman ko 'yun ay baka hindi na kita tirhan, baka magsisi ka.”

     “Ubusin mo 'yun, wala ako'ng pakialam.”

     “O sige, wala'ng sisihan ha?”

   Napakagat ako sa labi ko sa sobra'ng inis sa kanya at binuksan ko na ang pinto para itapon siya palabas.

     “Ubusin mo 'yun! Wala ako'ng pakialam!” sigaw ko at malakas na sinara ang pinto.

     “Niluto 'yun ng Mama mo para sa'yo, 'wag ka naman'g ganyan. Ang swerte mo nga sa kanya." mahina niya'ng sinabi.






( H A  N  I )

Bumuntong-hinga ako at bumalik na lamang sa baba upang puntahan sina Tita. Kung hindi nagugutom si Kevin, pwes ako nagugutom na ako.

     “O, Hani, bababa na ba si Kevin?” tanong ni Tita.

     “Nainis po ata sa’kin, Tita, nagtalo na naman po kami sa taas.”

     “Mukha'ng napapadalas ata ang pagtatalo niyo, Hani, baka naman nagkakahulugan na kayo ng loob niyan.” pang-aasar na naman ni Tito Alfonso.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon