8: Round One- He wins

1.6K 25 4
                                    

(K E V I N)

Sabay kami'ng lumabas ni Hani ng kanya-kanya namin'g kwarto. Sa punto'ng nakita ko siya ay halata'ng naiilang siya sa’kin at umiiwas pa ng tingin. Nagmamadali pa siya'ng bumaba ng hagdan kaya tuloy mas ginanahan ako'ng asarin siya.

    “Sayang 'yun'g kagabi noh? Sana 'di ka sumigaw.” pang-aasar ko sa kanya. Nasa magkabila'ng bulsa ng black shorts ko ang mga kamay ko. Nagpipigil pa 'ko ng ngiti.

   Lumingon siya sa’kin, wala'ng reaksyon ang mukha.

   Natigilan ako sa paghakbang, para siya'ng sinapian.

   Unti-unti siya'ng lumapit. Talaga'ng ilan'g pulgada lang ang pagitan ng mga mukha namin habang nakatitig siya sa mga mata ko. Nakayuko ako habang nakatingala siya sa'kin.

   Wala'ng kurapan at nakakunot ang noo ko.

     “Bakit? Gusto mo'ng halikan talaga kita?” tanong ko sa kanya.

   Ngumiti bigla si Hani at hinawakan ang magkabila'ng pisngi ko. Namilog ang mga mata ko, that creature was trying to seduce me! Pero bigla-bigla ba naman niya'ng inapakan ang paa ko?!

     “Aray!” pagsigaw ko at dali-dali'ng tumakbo si Hani palayo sa’kin.

     “Hani, bumalik ka rito!” hinabol ko siya agad habang kumikirot ang paa ko.

   Bwesit 'yun'g babae'ng 'yun, talaga'ng pinaghandaan niya ako sa umaga'ng 'yun. Nagsuot pa talaga siya ng sapatos para maapakan lang ako.

   Naghabulan kami'ng dalawa hanggang sa marating namin ang kusina kaso nagtago agad siya sa likod ni Mama na gumagawa ng almusal.

     “Tita.” pagsusumbong niya habang nakatago sa likuran ni Mama.

     “Hoy, kutong-lupa lumabas ka diyan!”

     “Ano ba'ng nangyayari sa inyo'ng dalawa?” tanong ni Mama na may hawak pa'ng tong.

     “Tita, si Kevin po kasi.”

     “Ano'ng ako? Ikaw nga 'to'ng tumapak sa paa ko.”

     “Eh bakit? Muntik mo na kaya ako'ng--” hindi niya natuloy ang sinabi niya.

     “O ano?” paghahamon ko.

     “Ano 'yun, baby girl?”

   Tumingin si Hani sa’kin saglit.

     “Wala po.” sagot niya kay Mama.

   Napabuntong-hinga si Mama.

     “Kayo'ng dalawa talaga, maupo na kayo, baka ma-late na kayo sa trabaho at klase.”

   Nagtinginan kami'ng dalawa at lalapitan ko sana siya pero hindi siya umalis sa tabi ni Mama.

  




Nang nasa dining area na kami, nakatitig lang ako sa kanya at tinapakan ko ang paa niya. Tinapakan rin niya ang paa ko at tinapakan ko ulit siya. Tinapakan namin ng paulit-ulit ang paa ng isa’t isa hanggang sa ang paa ni Mama ang matamaan niya.

     “Ahh!” pagsigaw ni Mama at pareho kami'ng napatingin ni Hani sa kanya.

     “So..sorry, Tita.”  despensa ni Hani.

   Napangiti naman ako. Lagot ka ngayon kutong-lupa.

     “It’s okay, baby girl. Teka, ba’t nakasapatos ka?” pagtataka ni Mama.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon