15: College Girl

1.8K 30 1
                                    

( H A  N  I )

Huli'ng beses ko na pala'ng made-deliver ang mga pastries na’yun sa Laguna. Pag-uwi namin ni Kevin sa pastry shop ni Tita Danita ay inabot na niya sa’kin ang huli'ng sahod ko. Sinabi ni Tita na kailangan ko nang maghanda para sa entrance exam.

   Talaga'ng totohanan na’to. Papasok na ulit ako sa paaralan! Malapit na ako'ng maging isa'ng official college girl! So excited!

   Isa'ng buo'ng linggo rin ako'ng nag-research sa computer, nagbasa ng libro, at nagreview sa mga past lessons. Pakiramdam ko tuloy bumalik ako sa grade 1. Hindi ko na kasi naaalala ang mga lessons na binabasa ko, nakalimutan ko na talaga lalo'ng-lalo na sa Math equations, 'yun'g Addition, Subtraction, Multiplication at Division lang ang yaka'ng-yaka ko. Pero kapag pinagsama na ang numbers at letters, naku 'yun'g utak ko gumi-give up na. Eh pa’no ba naman'g hindi? Apat na taon ako'ng natigil sa pag-aaral, ni hindi ko na nga alam ang mga bago'ng uso sa mga estudyante ngayon.

   Hanggan'g sa dumating na ang araw ng entrance exam, kasama ko si Kevin sa loob ng kotse at para ba'ng hindi na gumagana ang puso ko. Sobra'ng natatakot ako at nakailan'g balik na ako sa pagrorosaryo.

   Mas lalo'ng tumindi ang kaba ko nang huminto na ang kotse na minamaneho ni Kevin. Pagtingin ko sa labas ay nasa loob na pala kami ng parking area ng Jacksbridge.

     “Labas na.” utos ni Kevin sa’kin at nauna pa siya'ng lumabas ng kotse.

   Naiwan naman ako at hindi ko halos maigalaw ang mga paa ko. Napa-sign of the cross ako at pumikit.

     “Please po. Please please please, ituro niyo sa’kin ang tama'ng answers, please.” pagmamakaawa ko.

   Nakarinig ako ng katok at pagdilat ko ay nasa labas pala ng bintana'ng katabi ko si Kevin.

     “Labas na.” pag-ulit niya nang sinasabi.

     “'Kita nga'ng nagdarasal pa ako. Pagano talaga 'to'ng lalaki'ng ‘to.” inis ko'ng sagot at binuksan na ang pintuan ng kotse.

   Tinitigan niya ako kaya agad ko siya'ng sinita.

     “May problema ka na naman ba sa’kin?” pagtataray ko, nakakapikon kasi. Hindi ko na nga halos maintindihan ang kaba ko tapos mang-aasar pa ang ulupong.

     “Wala, sige na pumasok ka na." at sabay na kami'ng naglakad.

   Nanginginig talaga ako. Promise.

  
    

“Ba’t namumutla ka?” nasa labas na kami ng examination room.

     “Kinakabahan ako.” sagot ko.

     “Kinakabahan din pala ang mga kutong-lupa?”

   Kumunot ang noo ko at inis na tiningnan si Kevin kasabay nang pagnguso ko.

     “Pumasok ka na ron. 'Wag ka'ng magtatagal ha? Madali ako'ng mainip baka iwan kita.” sabi nito.

     “Wala ako'ng pakialam kung iwan mo 'ko, diyan ka na.” inis ko'ng sagot at papahakbang na sana per—

     “Hani.”

     “Ano?!”

     “Kaya mo ‘yan.”

   Natigilan ako at nagulat dala na rin siguro nang narinig ko'ng sinabi ni ulupong. Magpapasalamat sana ako pero tumalikod na siya at pabalik na ata sa kotse.

   Napayuko ako at pumasok na rin sa examination room.

   Agad na ako'ng kumuha ng questionnaire at answer sheet para masimulan na ang exam. Habang sinasagutan ko ang isa'ng tanong ay bigla ko'ng naalala ang huli'ng sinabi ni Kevin sa’kin kanina.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon