12.1

1.7K 30 0
                                    


( K E V I N )

Ginulo ko ang buhok niya matapos ko'ng marinig ang sagot niya.

     “Ano ba?!” pagrereklamo niya ta's may pagpalo pa sa kamay ko.

     “Kung makapagsalita ka naman, parang ang sama-sama ko nang tao.”

     “Eh sa 'yun 'yun'g nakikita ko. Hindi ka magalang sa babae.”

     “Babae ka ba?”

     “Ano ba'ng tingin mo sa’kin?”

     “Kutong-lupa."

   Siniko niya ako sa sobra'ng inis niya.

     “Aray!”

     “Hindi ako kutong-lupa.”

     “Ehsus.”

     Bakit ba magkaiba'ng-magkaiba kayo ng Kuya mo?”

     “Una sa lahat, mas gwapo ako dun. Pangalawa, mas matalino ako sa kanya. Pangatlo, mas gentleman ako.”

     “Weh? Isang napakalaki'ng weh? Ikaw? Mas gentleman?” tanong niya at tumawa siya ng malakas, “Alam mo, kung sa una at pangalawa'ng nasabi mo, okay pa sana 'yun eh. Pero yun'g mas gentleman ka? Seryoso ka? Gising na oi! Nananaginip ka lang. Kapal ng mukha nito.”

     “Nagsisimula ka na naman.”

     “Hindi kasi kapani-paniwala noh? Gentleman ka ba?”

     “Oo... pero maliban sa’yo, kasi isipin mo ha? Kung naging gentleman ako sa’yo, eh di baka sa'kin ka pa magkagusto, at 'yun ang iniiwasan ko'ng mangyari, hindi tayo talo.  Naiintindihan mo?”

   Tumawa nang pagkalakas-lakas si Hani, nawawala halos ang bilogan niya'ng mga mata. Napahiga pa siya sa buhangin. Gano'n kalala.

     “Hoy!” sita ko sa kanya.

   Tinitigan niya ako at tumigil siya sa kakatawa saka bumangon.

     “Kapag iniisip ko lang na may gusto ako sa’yo, kinikilabutan ako.” nakangisi'ng sambit niya.

     “Talaga?”

     “Talaga'ng-talaga.”

     “Noh? Sobra'ng nakakakilabot ba 'yun?” pang-iinis ko.

     “Hoy."

   Tinitigan ko lang siya.

     "Tumigil ka nga!” napipikon niya'ng sagot.

   This time, ako naman ang tumawa at humiga sa buhangin.

     “Siraulo ka talaga.” habang nakalingon sa'kin.

   Natahimik ulit kami'ng dalawa, napako na naman ang tingin niya sa fireworks display habang nakahiga ako sa buhangin at tinitingnan ang likod niya. Naalala ko ulit 'yun'g paghalik ko sa kanya. Alam kaya niya'ng hinalikan ko siya ng tatlo'ng beses? Ano kaya'ng magiging reaksyon niya 'pag nalaman niya 'yun?

   Sa totoo lang, ang lambot ng labi niya.

   Umiling-iling ako't bumangon dahil kung ano-ano na ang naiisip ko.

   Tiningnan ko ulit si Hani at siniko siya.

     “O ano na naman.” kalmado'ng tanong niya habang nakatingin pa rin sa fireworks.

     “Ba’t ang lalim ng iniisip mo?”

     “Alam mo ba'ng nung araw ng graduation mo, naramdaman ko 'yun'g isa pa'ng kulang sa buhay ko?” hindi naman 'yun ang tinatanong ko. Pero hindi ko siya sinita, baka gusto nga niya'ng pag-usapan kaya makikisabay ako. First time niya'ng mag-open up patungkol sa buhay niya kaya dapat hindi ko siya asarin.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon