13.1

1.6K 33 1
                                    

( H A  N  I )

“Bwesit! Sumusobra na talaga 'yun'g ulupong na’yun. Akala mo kung sino! Palagi nalang naghahanap at nagsisimula ng gulo. Ang tahimik ko nga lang kanina tapos siya 'yun'g nauna. Ang kapal kapal!” nanggigigil ko'ng pagkakasabi habang iniimpake ang mga damit ko.

     “Hindi ko na talaga kaya rito, dun nalang muna ako makikisiksik sa inuupahan ni Ces, at bukas maghahanap na ako ng sarili ko talaga'ng matutuluyan.” dugtong ko pa hanggang sa may kumatok sa pintuan ko.

     “Pwede ba, Kevin 'wag mo ko'ng kakausapin?! Hindi ka pa ba talaga tapos?! Aalis na nga ako diba?! Kaya hindi ko na kailangan ang tu—”

     “Baby girl?” tanong ni Tita Danita nang buksan niya ang pintuan ko.

     “Tita, kayo ho pala.”

     “Sa’n ka pupunta?”

     “Tita, aalis na po ako.” talaga'ng pikon na pikon na ako.

     “Ha? Hani, bakit naman? May nangyari ba?”

     “Tita, pinilit ko naman po'ng pakisamahan si Kevin eh, pero talaga'ng hindi po talaga posible na magsama kami sa iisa'ng bahay, magtatalo at magtatalo po kami.”

     “Hani, maawa ka naman, 'wag ka'ng umalis, kahit para sa’kin lang.”

     “Pero, Tita.”

     “Please, baby girl.” pagmamakaawa ni Tita habang nakahawak sa dalawa'ng kamay ko.

     “Tita kasi—”

     “Iiyak ako kapag umalis ka.”

     “Po?”

     “Hindi ako kakain, hindi ako maliligo, magagalit ako sa buo'ng mundo kapag umalis ka.”

     “Tita, naman.”

     “Please 'wag ka nalang umalis. Dito ka nalang.”

   Natigilan ako sa pagsagot at yumuko na lamang ako.

     “Sige po.” mahina ko'ng sagot.

     “Good!” masigla'ng sabi ni Tita at kinuha niya ang mga damit ko na nasa loob ng bag, “Ibalik na natin 'to'ng mga damit mo sa closet. 'Wag mo nang uulitin to ha? Diba sabi ko na 'wag ka'ng papatalo kay Kevin?”

     “Sorry po, Tita, 'di na ho ako uulit.”

     “Buti naman.”








(K E V I N)

Sa sumunod na umaga, pumunta ako sa kwarto ni Kuya at nakahanda na siya'ng umuwi sa Malaysia.

     “Hindi ka man lang ba magsti-stay ng kahit ilan'g araw pa, Kuya?” tanong ko sa kanya.

     “Hindi na. Marami ako'ng dapat asikasuhin sa hotel natin dun.”

     “Ang sabihin mo, nami-miss mo lang si Ate Hazel kaya gusto mo nang bumalik dun.”

   Ngumiti si Kuya.

     “Siyempre kasama na rin si Hazel sa mga rason ko.”

     “Iba'ng klase ka talaga'ng magmahal.”

     “Kaya nga dapat magtapat ka na kung may nagugustuhan ka ng babae.”

     “Matagal na ako'ng nagtapat sa kanya.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon