23.1

1.5K 32 0
                                    

(K E V I N)

Nakatulog pala ako habang nasa biyahe ang eroplano at ang boses ni Mama ang narinig ko'ng gumising sa’kin. Naramdaman ko na may mabigat na nakapatong sa balikat ko, pagtingin ko ay ang ulo ni Hani ang nakahiga rito.

     “Baby boy, baby girl, nasa Pilipinas na tayo.”

   Napabangon agad si Hani at halata'ng ang sarap ng tulog niya. Makikita 'yun sa hitsura ng mga mata niya.

  

    

“Ano'ng akala mo sa balikat ko? Unan?” pagsusuplado ko kay Hani habang may tinutulak kami'ng cart kung sa’n nakalagay ang maleta namin'g dalawa. 

     “Eh di sorry.” 

   My lips snarled, “At saka tingnan mo, may laway mo pa 'yun'g T-shirt ko, ang baho-baho.” 

     “Hoy, hindi 'yan laway ah?” pagtatanggol niya sa sarili. 

     “Eh ano'ng tawag mo rito?” 

     “Aba malay ko, kung ano-ano'ng binibintang mo sa’kin.”

     “Ah basta, kailangan labhan mo ‘to, ang baho na ng T-shirt ko dahil sa’yo.”

     “Baka naman 'yun'g kili-kili mo 'yun'g naaamoy mo.”

     “Hoy kutong-lupa, napakabango kaya ng kili-kili ko, amuyin mo.” sabay akbay sa kanya at pinaamoy sa kanya ang kili-kili ko.

     “Kevin!” pagpupumiglas nito.

     “O amuyin mo.” I was laughing already.

     “Ahh!” sabay tulak sa'kin.

   Dinilatan ko siya.

   Ganun din ang ginawa niya.

   Kababalik lang namin sa Pilipinas pero nagbangayan na naman kami.

  

Dalawa'ng araw ang lumipas, naiwan kami'ng dalawa ni Hani sa bahay. Nasa trabaho sina Mama at Papa. Hindi na muna ako pumasok dahil gusto ko'ng magpahinga muna dahil tinrangkaso ako pagbalik namin ng bansa.

   Maulan sa araw na’yun, at habang nagmemeryenda ako sa terrace ay naghuhugas ng pinggan si Hani. Ilan'g sandali pa ay pumasok ako dala-dala ang pinagkainan at inilagay 'yun sa lababo.

   Tumalikod na ako pero 'di nagtagal ay lumingon ulit ako at nilapitan si Hani.

     “Oy, kutong-lupa.”

     “Ano na naman?”

     “Marunong ka ba'ng gumawa ng champorado?” parang nabibingi ako sa boses ko'ng garalgal dahil sa sipon at ubo.

   Hindi sumagot si Hani. Nagpatuloy lang siya sa paghuhugas ng pinggan.

     “Hala! Napakahilig mo sa mga tsokolate pero champorado lang hindi mo alam gawin? How ironic.”

     “How ironic. He! Siyempre alam ko, okay?”

     “Ba’t ang tagal mo'ng sumagot?”

     “Ewan ko sa’yo! Eh ano ba kasi'ng meron sa champorado?”

     “Gumawa ka nun, gusto ko'ng kumain ng champorado, lalo na’t umuulan ngayon. Tsaka, kita mo naman may sakit ako.”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon