9.1

1.4K 30 2
                                    

(D A N I T A)

“Hello, baby boy.” nakangiti ko'ng sabi nang sagutin na ni baby boy ang tawag ko.

     “Ma, nasa’n ka ba?” suplado talaga nang anak ko'ng 'yun.

     “Umuwi na ako, medyo sumama kasi 'yun'g pakiramdam ko.” pagdadahilan ko at tumawa ako nang wala'ng boses.

     “Eh 'di sana nagpaalam po kayo.”

     “'Pag ginawa ko 'yun, mag-aaya kayo'ng umuwi, ayoko'ng mangyari 'yun.”

     “Po?”

     “Mamaya na kayo umuwi, mag-enjoy muna kayo ni Hani diyan, 'wag mo siya'ng aawayin ha?”

     “Ayoko, uuwi na kami.”

   Kumunot ang noo ko. Ang tigas talaga ng ulo ng bata'ng ‘to!

    “Kevin! Pwede ba'ng kahit ngayon lang ay pagbigyan mo naman ako? Tanungin mo kay Hani kung ano pa'ng gusto niya'ng sakyan o kainin, basta make her happy today, naiintindihan mo?”

     “Ma.”

     “Bye.” malambing ko'ng pagkakasabi sabay end sa call at tiningnan ko ulit sila'ng dalawa.

    “Nakakatuwa sila'ng pagmasdan.” nakangiti ko'ng sabi habang nagtatago sa isa'ng ice cream stall sa loob ng Enchanted Kingdom.

   Pinagtataguan ko sina Baby boy at Baby girl kasi gusto ko'ng magkaroon sila ng bonding para naman magkalapit na sila at mahulog na ang loob sa isa’t isa.

   Sana payagan ako ng langit at hayaan niya'ng mangyari ang gusto ko.

(K E V I N)

Nakakainis, binabaan ba naman ako ng telepono? Sumama raw ang pakiramdam niya, pero sa naririnig ko sa boses niya, parang okay lang naman siya.

   Ano na naman kaya ang nasa isip na naman ni Mama. At dapat ko raw'ng pasayahin si Hani? Sana mali ang kutob ko.

     “O ano'ng sabi ni Tita?”

   Tinitigan ko siya.

   My mom loves this lady like she's her own blood.

     "Hoy?"

   Bumuntong-hinga ako.

     “Saan mo gusto'ng sumakay?”

     “Ha? Um, pwede ba'ng umuwi nalang tayo? Nahihilo na kasi ako.”

     “Ganito na lang, gusto mo'ng ice cream?”

     “Ice cream?” nakangiti niya'ng tanong sa’kin.

     “Oo, chocolate flavor.”

     “Sige!” para siya'ng bata.

     “Kung makangiti ka naman.”

     “Ililibre mo 'ko?”

     “Bakit? May pera ka ba?”

   Agad nawala ang ngiti ni Hani at inirapan ulit ako.

     “Tara dun tayo.” reaksyon ko at nauna ako'ng humakbang.

  


Bumili kami ni Hani ng ice cream at umupo sa isa'ng bench pagkatapos.

     “Ang sarap.” reaksyon niya.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon