1.2

2.8K 56 0
                                    

Matapos namin'g kumain ng hapunan, nauna'ng pumunta sa second floor ng bahay si Kuya Kenjie habang ako ay tumutulong kay Mama sa pagliligpit nang pinagkainan.

     “Baby boy, magpahinga ka na rin, ako na ang bahala sa mga dishes.” nasabi niya sa’kin matapos ko'ng mailagay sa kitchen sink ang mga huhugasang plato.

     “Okay po. Good night, Ma.” sagot ko at humalik sa pisngi ni Mama.

   'Pag hindi ako nag good night kiss kay Mama, papaluin niya ang kamay ko.

   Oo, parang bata lang.


   Nang nasa second floor na ako ay nadaanan ko naman sa family room si Kuya Kenjie. Naglalaro siya ng car racing, at 'yun'g laro'ng 'yun ang madalas namin'g nilalaro kapag nabo-bore kami sa bahay.

     “Kuya, may oras ka pa pala'ng maglaro?” tanong ko sa kanya habang nasa pintuan ako. Napasulyap lang siya sa’kin pero binalik din agad niya ang atensyon sa nilalaro.

    “Kailangan ko 'to Kevin, masyado'ng stress sa opisina kaya kailangan ko'ng magpalipas ng oras.” sagot niya habang nakahawak sa control.

     “Gusto mo maglaban tayo?” paghahamon ko.

     “'Wag na, baka umiyak ka na naman pag natalo kita.” natatawa niya'ng sagot, halata'ng nang-aasar lang ang Kuya ko.

     “Natatalo mo lang ako dati, ngayon mas magaling na ako sa’yo kaya matatalo na kita.”

     “O sige, I’ll expect that from you.”

   Ngumiti ako at lumapit kay Kuya. Kinuha ko ang isa'ng control at ni-restart ni Kuya ang laro.






     “Kuya.”

     “Hmm?”

     “Talaga ba'ng tuloy na 'yun'g pag-alis mo papunta'ng Malaysia?”

     “Kailangan ako ng kompanya natin dun.”

     “Hindi ka na talaga mapipigilan?”

     “Bakit? Ayaw mo ba ako'ng umalis?”

     “Ayoko kasi'ng...ayoko'ng maiwan mag-isa dito, ako lang 'yun'g makikita at aasarin ni Mama.”

   Natawa siya sa sinabi ko, siguro narealize rin niya na tama ako. At maswerte siya dahil makakakawala na siya sa pambi-baby ni Mama.

     “Kunsabagay, medyo nakakainis na rin si Mama, pero maswerte pa rin tayo kasi siya ang naging Mama natin.”

   Napangiti ako at iniba ang usapan.

     “Mag-iingat ka ron sa Malaysia, Kuya.”

     “Oo naman. Mag-e-enjoy din ako for sure....andun din kaya si Hazel." pagmamalaki niya.

     "Buti ka pa. Makakasama mo 'yun'g babae'ng mahal mo."

   Ngumiti si Kuya.

     "Sus. Ikaw din, mag-iingat ka dito.” Tiyak tinutukoy niya na mag-ingat ako kay Mama.

   I snarled.

  

Isa'ng buwan mula ang pag-uusap naming yun ni Kuya. Naka-schedule na siya'ng umalis papunta'ng Malaysia. Kailangan niya kasi'ng palitan ang isa'ng general manager dun.

   Buti pa si Kuya.

   Kompleto pa kami'ng buo'ng pamilya sa paghahatid kay Kuya, at ito naman'g si Mama kung makareact parang mawawala na talaga nang tuluyan si Kuya. Eh sa Malaysia lang naman ang punta nun, kung tutuusin pwede niya'ng dalaw-dalawin si Kuya ron.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon