18.1

1.7K 29 2
                                    

( H A  N  I )

Inis ako'ng pumasok ng kwarto at kumuha ng damit sa closet. Dumiretso na ako sa banyo para hubarin ang basa ko'ng damit.

     “Bwesit talaga, nakakainis?! Naglalakwatsa ako? Alibi ko lang ‘yun? Wala talaga'ng puso! Wala'ng atay! Wala'ng ribs! Wala'ng small and large intestines! Basta wala siya'ng kalooban! Ni hindi man lang nagtanong kung okay ba ako? Ni hindi man lang niya napansin na basa'ng-basa 'yun'g damit ko, ni hindi man lang niya tinanong kung safe ba ako sa lugar na sinilungan ko. Hindi ko man lang naipamukha sa kanya na pinutakti na ako ng mga lamok dun dahil lang sa pag-aalala ko sa kanya! Sana pala hindi ko nalang siya hinintay! Bwesit! Nakakapanginig talaga ng laman!” naiinis ko'ng litanya habang nagbibihis sa loob ng banyo.

   Matapos ko'ng magbihis at pakalmahin ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo at kinuha ang suklay para suklayin 'siyempre' ang basa ko'ng buhok.

   Bigla ako'ng napahatsing.

     “Ano ba ‘yan?!” reaksyon ko habang pinupunasan ang ilong.

   Matapos ko'ng magsuklay ay kinuha ko ang cellphone para maglaro muna ng snake game.

    “Makalaro na nga lang, tutal kauri naman ni ulupong 'yun'g mga ahas. Sa kanila ko nalang ibubuhos lahat ng inis ko.” matapos ko'ng e-unlock ang cellphone ay nakita ko ang mga missed calls ni Kevin.

    “8 missed calls? Kung ganun, tinawagan niya pala ako? Nag-alala rin kaya siya sa’kin?” tanong ko tapos ay nagsalita naman ang kabila'ng parte ng utak ko, “Ah hindi, baka kung sinagot ko ang tawag na’to, tiyak sinigawan lang ako nun. Mas importante naman sa kanya 'yun'g material na bagay kesa sa’kin. Kaya Hani, 'wag ka'ng kiligin, pinapaasa mo lang ang sarili mo.” dugtong ko hanggang sa nahatsing na naman ako.
















(K E V I N)

Kakatok sana ako sa kwarto ni Hani para kamustahin siya, pero may pumigil sa’kin.

     “Ba’t ko na naman siya susuyuin? Baka mamihasa siya, at baka ginawa lang niya 'yun para mag-away kami at suyuin ko siya tapos bibigyan ko siya nang paborito niya'ng tsokolate. Kahit kailan talaga napakasiba sa tsokolate ng babae'ng 'yun.” mahina'ng sabi ko habang nasa harap ng pintuan niya. “Hindi ko na nga lang siya kakausapin, bahala siya.” dugtong ko at dun ako pumasok sa sarili ko'ng kwarto imbis na katukin ko si Hani at kausapin siya.

   Hanggang sa mag-umaga na naman, nang pumunta ako sa dining area ay nadatnan ko'ng wala'ng pagkain'g nakahain. Dumiretso ako sa kusina pero wala'ng tao, tiningnan ko ang rice cooker pero wala 'yun'g laman'g kanin. Binuksan ko nalang ang ref at kinuha ang pagkain'g hindi namin nakain ni Hani kinagabihan.

     “Hindi nga pala ako nakapaghapunan kagabi.”

   Ininit ko nalang ang kanin at ulam na gulay na siya'ng niluto ni Hani. Buti nalang at hindi puro gulay ang niluto niya, sinahugan niya rin naman ito nang konti'ng baboy kaya may makakain pa rin ako kahit papa’no. Matapos ko'ng initin ang kanin at ulam ay pumunta ako sa may hagdanan at tumingin sa itaas.

     “Ba’t ang tagal nun? Ah, baka gumaganti sa’kin.” nasabi ko at bumalik nalang ako sa dining area upang dun hintayin si Hani.

  

Tinitigan ko ang usok na mula sa mainit na adobo'ng kangkong na may baboy at sa kanin. Ngunit hanggang sa nawala ang mga usok na ‘yun, hindi pa rin bumababa si Hani.

     “Mukha'ng sinusubukan talaga niya ang pasensya ko.” napipikon na'ko.

   Tumayo na ako para sunduin na siya sa kwarto niya. Pakatok na dapat ako sa pintuan kaso bumukas na ito bago pa man matamaan ng kamay ko 'yun.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon