6.4

1.6K 30 2
                                    

( H A  N  I )

“Third floor? Mag-iigib? Baliw!” ang reklamo ng utak ko. Pero wala naman ako'ng magagawa e.

   Napabuntong-hinga ako at inis na tumalikod upang bumalik sa laundry area at kumuha ng balde.

     “Ang hirap kaya'ng mag-igib habang bumababa ng hagdan.” pagrereklamo ko pa.

   Papaakyat na dapat ako sa hagdan pero bigla'ng humilab na naman ang tiyan ko. Gutom na gutom na talaga ako.

     “Hani.”

   Nainis ako nang marinig ang boses ng lalaki'ng yun.

     “Hoi Hani, nabibingi ka na ba?”

   Inis na inis ako'ng lumingon sa kanya. “Wag mo nga ak---”

     “Mamaya ka na mag-igib. Kumain ka muna," nagulat ako sa kalmado niya'ng boses.

     "May ininit akong sandwich para sa’yo. 'Yun na muna ang kainin mo, hindi kasi ako sanay na kumakain ng kanin tuwing tanghali kaya wala'ng kanin sa rice cooker.”

   Ano'ng trip ng lalaki'ng 'to?

     “Nag-init ka para sa’kin?”

     “Halata ba?”

   Wow, uso pa pala ang himala.

     “May puso ka rin pala?” tanong ko sa kanya.

     “Naaawa lang ako sa mga bulate mo sa tiyan.”

     “Hoy, wala ako'ng bulate noh.”

   Mapanghusga 'to!

     “Pa’no ka nakakasiguro?”

     “Eh ikaw? Pa’no ka rin nakakasiguro na may bulate nga ako sa tiyan? Nakita mo ba ang laman ng tiyan ko? Tss, 'di kayo close ng mga intestines ko.”

     “Bahala ka. Kung ayaw mo'ng kumain eh di wag.” pagsusuplado na naman niya.

     “Tss.” reaksyon ko at tumakbo na papunta'ng kusina.

   Nakita ko nga dun ang isa'ng plato na may sandwich.

   Napangiti ako at lumingon kay Kevin.

   Siraulo lang ba talaga yun? O mabait talaga siya?

   Pero dahil sa gutom na ako'y inalis ko na muna ang pagdududa sa isip ko. Inubos ko agad-agad ang sandwich na ‘yun at uminom din ng lemon juice.

   Ang lakas ng dighay ko.

     “Salamat at nabusog na rin ako.” nakangiti ko'ng sabi.

   Tumayo na rin ako agad para hugasan ang plato at baso'ng nagamit ko. Pagkatapos kong gawin 'yun ay bumalik na  ako sa naiwan ko'ng trabaho.

   Nagpabalik-balik nga ako sa pag akyat-baba ng hagdan habang nag-iigib ng tubig.

     “Bwesit talaga, akala ko pa naman day off ko tapos parang mas doble pa ata ang pagtatrabaho ko ngayon.” pagrereklamo na naman ng utak ko habang maingat sa paghakbang pababa ng hagdan. Baka ma-out of balance ako't mahulog pa 'ko kung eengot-engot ako.

   Napansin ko bigla si Kevin at nakita ko'ng nanunuod siya ng mga cartoons sa Cartoon Network. Kumunot ulit ang noo ko, at tahimik na nagpatuloy sa paglalakad papunta'ng laundry area.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon