21.1

1.4K 26 0
                                    

(K E V I N)

Nagsusulat ako sa loob ng kwarto ko nang bigla'ng pumasok si Hani kaya ganun nalang ang gulat ko. Agad ko'ng sinara ang notebook na sinusulatan ko. Napatingin naman si Hani sa notebook.

     “A—ano'ng ginagawa mo rito?” nauutal ko'ng tanong.

   Tumingin siya sa’kin.

     “Ano'ng kaartehan 'yan?”

     “Sino ba'ng may sabi sa’yo na basta-basta ka lang pumasok sa kwarto ng lalaki ha?”

   Kumunot ang noo niya at kinamot ang likod ng tenga sabay sagot, “Teka nga, pinapunta ako rito ni Tita, ang sabi niya gusto mo raw ako'ng makausap.”

     “Ano?”

     “Bakit?”

   Pareho kami'ng napaisip at nanlaki ang mga mata namin.

   Nag-unahan kami sa pagbukas ng pintuan pero 'di namin 'yun mabuksan. 

     “Ma! Ma! Buksan mo 'to!” sigaw ko habang kinakatok nang malakas at mabilis ang pintuan.

   Wala ako'ng narinig mula sa labas at isa lang ang natitiyak ko, kinandado ni Mama ang labas ng pintuan ko kaya hindi ko 'yun mabuksan-buksan.

   Napasuntok ako sa pintuan at inis na tumingin kay Hani. Halata naman sa mukha niya ang gulat sa ginawa ko.

     “Ikaw kasi!” sigaw ko pa sa kanya.

     “Ba’t ako?!” 

     “Hindi ka kasi nag-iisip! Ni hindi mo man lang napansin na niloloko ka lang ni Mama?” 

     “Kasalanan ko pa ngayon? Malay ko ba'ng tina-trap lang tayo ni Tita.” 

     “Masyado ka kasi'ng nagtiwala.” 

   Natigilan si Hani, at umupo sa edge ng kama.

     “Tama ka, masyado ako'ng nagtitiwala sa mga tao.” matamlay niya'ng sagot. 

     “Ha?” nagtataka'ng tanong ko. 

   Inis siya'ng tumingin sa’kin at sumagot. 

     “Wala! Mag-isip ka nalang kung pa’no tayo makakaalis dito.”

     “Hindi na kailangan.”

     “Ano?”

     “Alam ko ang iniisip ni Mama, gusto lang niya na magkabati tayo'ng dalawa. Sigurado naman ako na bukas hindi 'yun makakatiis, palalabasin din niya tayo.” 

     “Ibig sabihin dito ako matutulog?” 

     “Sa’n mo ba gusto? Ahh, pwede ka naman'g dumaan sa bintana papunta dun sa kwarto mo, 'yun ay kung si Spiderwoman ka.” 

     “Ulupong ka talaga!” 

   Parang may nagising sa puso ko.

     “Ano ulit sabi mo?” bahagya ako'ng nagulat.

     “Bingi ka ba? Bingi'ng ulupong!”

     “Ngayon mo lang ulit ako tinawag niyan.” kalmado'ng sagot ko sa kanya, totoo naman talaga, ngayon ko lang ulit narinig na sinabihan niya ako'ng ulupong ako. 

     “Ano naman ngayon?”

     “Grabe ba talaga ang naging kasalanan ko sa’yo?”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon