22.2

1.4K 29 1
                                    

(A L F O N S O)

Wala'ng tigil ako sa pagngiti habang pinagmamasdan ang naglalakad palayo na sina Hani at Kevin.

     “Nakakatuwa talaga sila'ng dalawa.” nakangiti ko'ng sabi kay Danita.

     “Hindi mo ba nahahalata ang pagbabago ni Kevin simula nang dumating si Hani? Palagi na siya'ng nakangiti at nang-aasar, hindi na siya 'yun'g dati'ng Kevin na palagi'ng nakasimangot kapag kinakausap ko. Nakikinig na rin siya sa mga sinasabi ko at kapag may ipinag-uutos ako'ng gawin niya ay ginagawa na niya, iba talaga ang nagagawa ni Hani kay baby boy.”

   Mas lalo ako'ng ngumiti, wala kasi'ng kaalam-alam si Danita sa ginawa ko.

     “Mas matutuwa ka kapag bumalik na sila rito.”

     “Ano'ng ibig mo'ng sabihin?”

     “Basta.” 

   Bahala na kung pati sa’kin ay magalit si Kevin, basta natutuwa ako sa kanila'ng dalawa. Parang gusto ko na rin tuloy makisali sa plano ni Danita para sa dalawa'ng bata.

   Sabi nga ng asawa ko, para sa susunod na henerasyon naman ito ng mga Romero.



(K E V I N)

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ulit namin ni Hani ang isa’t isa!

     “Pati ba naman si Papa?” nainis ako.

     “Diba couple's shirt 'to?” pag-iinosentehan na naman nang maliit na babae'ng 'yun.

     “Halata naman diba? Nagtatanong ka pa.”

   Uminit ang ulo ni Hani at nauna'ng naglakad. May nakadrawing pa na isa'ng silhouette ng babae at lalaki at may nakasulat na I love Him at I love Her. Pati si Papa nasasali na sa kalokohan ni Mama. Ganun ba talaga kapag mahal mo ang isa'ng tao? Pati 'yun'g trip niya nagiging trip mo na rin? Ewan ko ba sa mga magulang ko, ang hilig makialam sa buhay ko.

   Sa oras na naglalakad kami'ng dalawa ay pinagtitinginan kami ng mga tao—nakyu-kyutan ata ang mga ito sa couple's shirt na suot-suot namin ni kutong-lupa.

  

    

“Pa, ba’t ito 'yun'g binili niyo?” pagsusuplado ko.

     “'Yan lang 'yun'g nakita ko, hindi naman pupwede'ng bumili pa ako sa mall, alam ko'ng giniginaw na kayo, at 'yan 'yun'g una ko'ng nakita kaya 'yan nalang ang binili ko. Cute naman diba?”

     “Oo nga, ang cute-cute kaya, bagay na bagay sa inyo'ng dalawa, perfect couple!” sang-ayon pa ni Mama.

     “Kevin, 'wag ka nalang magreklamo, tara na kumain na lang tayo.”

     “Tama ang Papa mo, baby boy, kumain na lamang tayo.”

   Sinulyapan ko si Hani. Ni wala man lang siya'ng reaksyon.

   Nagsiupuan na kami't agad na inabutan ni Mama ng mainit na siopao, pinagsalin niya rin kami ng juice.

   Wala'ng tigil sa pagngiti si Mama habang nakaupo sila ni Papa sa tapat namin ni Hani.

   Naiinis pa rin ako sa nangyari.

   Nagkabanggaan na naman ang mga siko namin.

     “Umusog ka kasi ron.” pan-uutos pa niya.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon