8.1

1.4K 28 4
                                    


(D A N I T A)

Lumabas ako sa kusina ng pastry shop at nadatnan ko'ng ngumingiti ang cashier na si Sabel na nakatingin sa naglalakad paalis na si Hani o ang baby girl ko. Naintriga ako kaya nilapitan ko si Sabel tungkol sa nangyayari.

     “Happy?” tanong ko sa kanya.

     “Ay ma’am kayo po pala.”

     “Ano'ng meron? Ba’t ngumingiti ka?”

     “Wala lang po, Ma’am.”

     “Sabel, ayoko nang pinaglilihiman ako.”

     “Eh kasi po Ma’am baka magalit ho kayo.”

     “Ba’t naman ako magagalit? Ano ba kasi 'yun?”

     “Si Hani po kasi, tinutukso ko po siya sa anak niyo.”

   Nanlaki ang mga mata ko at nagtanong.

     “Sino'ng anak?”

     “Kay Sir Kevin po.”

     “Oh si baby boy. Bakit?” naintriga agad ako.

     “Eh kasi po, bago pa man sila nagsama sa isa'ng bahay, nagkita na po sila nung birthday ni Hani at dun din sa LRT. Eh tingin ko talaga'ng pinagtatagpo sila ng tadhana kaya tinutukso ko si Hani. Pero parang diri'ng-diri naman po si Hani sa anak niyo.”

   Napangiti ako at nagpapasalamat ako kay Sabel sa sinabi niya. Ngayon mas gusto'ng-gusto ko na tuloy ipaglapit si Hani kay Kevin.

     “Sa tingin ko nga tama ka, parang itinadhana talaga na maging parte sila ng buhay ng isa’t-isa, ano sa tingin mo? Bagay sila noh?”

     “Hindi ko pa naman sila nakikita'ng magkasama kaya hindi po ako nakakasiguro.”

     “Tama may point ka rin. Pero kapag nakita mo sila'ng magkasama, kikiligin ka sa kanila.” kinikilig ko'ng pagkakasabi.






(K E V I N)

Kinwento ko kay Clark ang tungkol sa weekend ko kasama ang kutong-lupa'ng si Hani. Pero imbis na kampihan niya ako ay tinukso pa niya 'ko.

     “Sino ba talaga 'to'ng Hani na’to at halos siya nalang ang napagkwekwentuhan natin ngayon'g araw?” tanong ni Clark.

     “Siya nga 'yun'g kutong-lupa na sinasabi ko sa’yo.”

     “O ikaw na ang may sabi, kutong-lupa lang siya, pero ba’t apektado'ng-apektado ka masyado sa kanya?”

     “Hindi ah.”

     “'Yun 'yun pare eh, delikado 'yan.”

     “Ano'ng ibig mo'ng sabihin?”

     “Baka mahulog ka sa kanya.”

     “No way, Clark, hindi talaga. Kahit ano'ng gawin ko'ng pag-iimagine, hindi talaga posible na magustuhan ko 'yun.”

     "Sus. Kailangan talaga ganyan ang reaksyon?"

     "Ang wild kasi ng imahinasyon mo. Imposible. Imposible talaga."

     “Okay sige. Imposible. Sabi mo eh. Tara na nga, magsisimula na 'yun'g klase natin.”

   Sana hindi magkatotoo ang sinabi ni Clark. Imposible'ng mahulog ang loob ko sa babae'ng 'yun, baka sa pagiging magkaibigan pwede pa, pero ang mainlove sa kanya?

   No way.

  





Kinagabihan sa bahay, nagpunta ako sa kusina para kumuha ng prutas at nadatnan ko ron si Hani na nagliligpit ng mga bago'ng hugas na plato. Tinitigan ko siya at nung magtama ang mga tingin namin ay kasabay naman nun ang pagkunot ng noo niya.

     “Ano na naman?” tanong niya.

     “Kailan ka ba aalis ng bahay namin?”

     “Ha?”

     “Umalis ka na rito.”

     “Aalis lang ako kapag pinaalis ako ni Tita.”

     “Hindi ka paaalisin nun, sipsip ka kaya dun.”

     “Hindi ako sipsip.”

     “Talaga?”

     “Ano ba'ng problema mo?!” pikon niya'ng sagot.

     “Ikaw 'yun'g problema ko! Ayoko'ng nakikita ka sa bahay namin, nabwi-bwiset ako.” pakikipagtalo ko sa kanya.

     “At sa tingin mo, ako hindi? Oy kung hindi lang dahil sa Mama mo, matagal na ako'ng umalis dito, okay? Dahil ni minsan sa buhay ko, hindi ko pinangarap na makasama ang isa'ng tao'ng kagaya ng ugali mo'ng kasinggulo ng buo'ng bansa natin!

     Kung ayaw mo ko'ng makita sa bahay na’to, eh 'di sige, hindi ako magpapakita sa’yo, kapag nandiyan ka, aalis ako!”

     “Mas mabuti pa nga.”

     “He!” inis niya'ng reaksyon at iniwan ako sa kusina.

     “Siya pa 'yun'g galit.” nasabi ko at binuksan ang ref namin para kumuha nang malamig na ubas na dinala ko sa kwarto ko.

     


“Kasing gulo ng bansa ang ugali ko? Ang kapal niya, eh ano'ng tawag sa ugali niya?” naiinis ko'ng sabi habang nakaupo ako sa bangko na nasa harap ng bureau.

   Dumaan ang mga araw, hindi kami nagkikibuan ni Hani. Para ba'ng hindi namin nakikita ang isa’t isa. Nag-iiwasan kami sa bahay at kapag nagkakatabi kami, hindi kami nag-uusap. Hindi rin naman kasi niya ako iniinis kaya hindi ko nalang din siya pinapakialaman.

   Mahigit sa dalawa'ng linggo na rin kami'ng hindi nagkakapikonan ni Hani. Ang pag-iwas lang pala sa isa’t isa ang solusyon sa komosyon na nasa pagitan namin'g dalawa.

   Isang gabi, nagkasabay kami sa pag-akyat ng hagdan.

     “Mauna ka na.” sabi niya at tumigil siya sa paglalakad.

   Inirapan ko siya at nauna nga ako sa pag-akyat. Akala ko talaga maiinis siya at magrereklamo kasi hindi ako gentleman, pero hindi siya kumibo. Inisip ko nalang na baka sa loob lang ng isipan niya ako minura.

   Pagdating ko ng kwarto ko ay tila ba hindi ako mapakali, ewan ko ba pero parang nami-miss ko ang asaran namin'g dalawa. Parang gusto ko siya'ng puntahan sa kwarto niya at awayin. Matagal-tagal na rin kasi kami'ng hindi nakakapag-usap.

     “Ano ba'ng nangyayari sa’yo, Kevin? Diba ayaw mo nang magulo at maingay? Ba’t nami-miss mo ang kutong-lupa'ng ‘yun?” tanong ko sa sarili ko nang nakahiga na ako sa kama.

   Nakikita ko nga sya pero iba pa rin kapag nag-aasaran kami.

   Hindi tama 'to'ng nararamdaman ko.  




Mahaba ang vacant ko sa klase sa sumunod na araw, kakatapos lang ng internship ko at nabo-bore na ako kaya naisipan ko'ng puntahan ang pastry shop ni Mama.

   Dalawa'ng taon na rin ako'ng hindi nakakadalaw ron, ayoko naman kasi'ng magpunta dun at baka e-baby pa ako ni Mama sa harap ng iba niya'ng costumers. Pastry shop pa naman 'yun, marami'ng mga estudyante rin na nagpupunta na kasing edad ko, at 'pag nakita nila'ng bini-baby ako ng Mama ko, tiyak isa'ng malakas na sampal 'yun sa ego ko.

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon