20.2

1.4K 28 0
                                    

(K E V I N)

YEAR 2009.

Nakita ko si Hani sa study room ng bahay, at mukha'ng seryoso ata siya. May nakalagay pa'ng sticky note sa noo niya habang nagsusulat at nagbabasa nang makapal na libro. Kumatok ako nang dalawa'ng beses hanggan'g sa lumingon siya.

     “Bakit?” naiinis niya'ng tanong.

   'Yun'g babae'ng 'to talaga, kapag nakikita niya ako palagi nalang siya'ng masungit. Wala naman ako'ng ginagawa'ng masama sa kanya.

     “Mukha'ng seryoso ata 'yun'g kutong-lupa namin ah, ano ba'ng meron?” usisa ko habang nilalapitan siya.

     “May oral exam kami bukas.”

     “Ah, kailangan nga talaga'ng magseryoso ka, makakalimutin ka pa naman.”

   Kumunot ang noo niya at nag-snarl ang labi bago sumagot. Kapag ginagawa niya 'yun, mas lalo siya'ng nakakatakot.

     “Oo, alam ko! Alam ko ang kapasidad ng utak ko, oo nga hindi ako kasing talino mo. Henyo ka kasi eh noh?

     “O, chill lang, masyado ka naman ata'ng proud sa utak mo.”

     “Ano?!”

     “High blood ka na naman eh.”

     “Pwede ba? Kung aasarin mo lang naman pala ako, mas mabuti pa'ng lumabas ka nalang at magkulong ka sa kwarto mo. Maghanap ka nang mapaglilibangan mo, sumayaw ka o 'di kaya ay manuod ka ng mga cartoon movies, tutal kamukha mo naman 'yun'g mga 'yun.”

     “Ayoko.”

     “Kevin!"

   Nagpigil ako nang tawa.

     "Pwede ba 'wag mo ako'ng bwisetin ngayon? Pakiusap lang!”

     “Sino ba'ng may sabi sa’yo na aasarin lang kita rito?”

     “Eh ano pa nga ba?”

     “Balak ko sana'ng tulungan ka.”

     “Wag na! Hindi kita kailangan.”

     “Eh di wag.”

     “He!”

   Inis rin ako'ng lumabas ng study room.

     “Siya na nga 'yun'g tutulungan siya pa ang galit. Baliw talaga ang kutong-lupa'ng 'yun!” maktol ko habang naglalakad papunta'ng kwarto ko.

   Ang taray-taray rin talaga niya kahit kailan.




“Good evening, baby boy!” masaya'ng bati ni Mama nang bigla siya'ng pumasok sa kwarto ko habang naglalaro ng online games sa laptop.

     “Ma, ano na naman po ba ang kailangan niyo?”

     “Ito naman. May itatanong lang ako.”

   Di ako kumibo.

     “Hay naku, isara mo nga muna 'yan'g laptop mo.”

     “Magsalita na lang ho kayo, nakikinig naman po ako eh.”

   Hindi sumagot si Mama, sa halip ay agad niya'ng sinara ang laptop kahit na naglalaro pa ako kaya tuloy uminit ang ulo ko.

     “Ma!”

     “Mag-usap nga muna kasi tayo, eye to eye, heart to heart.”

     “Ano po ba kasi 'yan'g IMPORTANTENG pag-uusapan natin?”

BOOK 1: The Him who loves HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon